Start

13.1K 317 30
                                    

Kaylin's POV

Ako'y isang simpleng mamamayan lamang ng pilipinas na May simpleng pangarap sa buhay.

Babae ako na nagmahal ng kapwa ko babae. Mahal na mahal ko yon kahit Monster siya, yung kala mo laging may period dahil ang moody niya.

Kapag nag selos naman kala mo talaga siya na si Godzilla. Kala mo Kakainin nya ng buhay yung mga babaeng Lumalapit sakin. Napaka possessive niya pero cute cute padin. Mahal ko eh

Kahit lagi nya ako inaaway mahal ko pa din siya. Yung siya pa galit kahit siya naman talaga may kasalanan okay lang, mahal ko pa din.

Kahit Ilang beses pa kami mag break kami pa din sa huli dahil Hindi ko siya sinusukuan at Ganon din siya sa akin. 

Monster man siya sa lahat pero sa akin Napaka Flirt at Clingy niya. Sobrang Childish din. Ang ganda na  Sexy na Hot na nga sobrang Cute pa.

Hindi man niya ako ma alala mahal ko padin siya.

Bakit ko ba siya minahal?

"Eh kasi nga Martyr na Stupid ka!!"

Huh?

"Oh hey Beb Bell nandito ka pala?"

"Aba malamang!! Storya ko na to! Tapos na story niyo ng baliw mong girlfriend or fiancee or wife! POV ko na so Chupi!!"

"Hoy sabi ni Author part pa din ako ng Cast!"

"Extra kalang! Ako na Bida ngayon noh"

"Edi ikaw na, Bala ka dyan, papahirapan at sasaktan ka din ni otor. Tapos may mga maiinis sayong reader Bleehh"

"Tsk Baka sila pa pahirapan, saktan at paiyakin ko"

"Bala ka dyan Beb. Oh sige na mag drama ka na, bye bye"

Bell's POV

So need ko pa ba magpa kilala? Kilala naman na siguro ako ng Ilan sa inyo.

Well Bukod sa sobrang ganda, tangkad, sexy at lakas ng charm ko eh wala naman na akong masasabi but wait meron pala. . . .

Hindi ako STUPID!

Hindi ako MANHID!

Hindi ako SANTO!

Hindi ako MARTYR!

Hindi ako katulad ni Kaylin na saksakan nang bait.

Hindi din niya ako katulad na alipin at sunod sunuran sa mahal.

Hindi ako nabubully,  ako ang Bully.

Hindi ako nag mamakawa na balikan ng ex. Nag effort ako once, twice, thrice. Pag ayaw mo na edi ayaw mo na. Bakit ko ipipilit yung taong ayaw na sakin.

Hindi din ako Bitter noh! Mag sama kayo!!

Hindi din ako Vulcaseal para maging Panakip Butas.

Kung hindi man ako ang leading man, Hindinh hindi ako magiging second choice! Mas gugustuhin ko na lang maging chismosa na extra

At mas lalong Hindi ako si Bea Alonzo at hindi ikaw si John Lloyd Cruz para sabihin ko sayong. . .

'sana ako pa rin... sana ako na lang... sana ako na lang ulit'

Moving OnWhere stories live. Discover now