13CS-First Sign

14 4 0
                                    

13thCs:First Sign

                           [ZHARMES]

AFTER ipinaliwanag ni Mr Green ang rules sa First Quest ay pinabalik kaagad kami sa kanya kanya naming mga tent at pinaghahanda kami.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nag-iisip kung ano nga ba ang plano nila kung bakit kami dito nagcamp samantalang si alysa ay nagbabasa.

Habang busy ako na nag-iisip,  nakita ko si alysa na biglang tumingin sa bintana at sa libro paulit-ulit at nakakahilo nung hindi na ako nakatiis ay nagsalita na ako.

"Hey alysa ano ba yang ginagawa mo?  Hindi ka ba nahihilo? " tanong ko sakanya na ikinatigil niya naman hay sa wakas!

"Uhm,  Zharmes ano-ano  na nga ulit ang mga signs?" imbes na sagutin ang tanong ko ay tinanong niya ako

"The signs?  First,  Snow on Summer.  Second, Golden Apples. Third Red Moon sa loob ng 1 linggo.  Fourth Sun in the Evening and Moon in the Morning and Last The Fallen Star bakit mo natanong?"

"Uhm wala lang? " uhm ok? 

Habang naghahanda kami ni Alysa ng mga bagay na kakailanganin namin sa First Quest ay bigla na lang may pumasok.

Siya lang pala.....

"Oh girl!  Ano ginawa  mo dito? " nakangiting tanong ni Alysa pero nung nakita niya ang reaksiyon NIYA ay bigla  na lang siyang nataranta bigla

"Hey, Girl! Magsalita ka naman oh! Pinapakaba mo ako eh"- Pagmamakaawa ni Alysa na magsalita na SIYA

Kahit kailan  talaga gusto kong pagsabihan yang Alysa na yan hindi ba siya makaramdam na hindi na ako nagsasalita dito? Patunay na ayaw ko talagang kasama YANG TAO NA YAN tsaka wag mong sabihin na hanggang ngayon KAIBIGAN parin ang turing ni Alysa SAKANYA?  Na kahit sa kabila ng nangyari ay Kaibigan pa rin ang turing sakanya? Tss.

"Hey B-----" natigil ang pagsasalita ni Alysa ng bigla  na lang SIYANG umiyak. Tss ilang balde ba ang iiyak mo hinding-hindi ako maaawa sayo Girl! 

"U-ung F-Fi-first S-sign , nag-nagpakita n-na" nauutal na sabi NIYA , pero ng dahil sa sinabi NIYA natigilan kaming dalawa ni Alysa

Bakit napadali ang paglabas ng First Sign? Hindi pa naman sumapit ang ikalawang gintong buwan pero bakit?


Kung nagpakita na ang first sign ngayon edi ibig sabihin ......

Oh Sh*t!

Dali -dali akong lumabas sa tent at tumigin sa paligid at nagulat ako , kasi akala ko isa lamang itong Simpleng First Sign para sa isang Delubyong paparating pero.... Nagkamali ako . Hindi lang pala siya isang simpleng first sign kundi isang napakalaking delubyong first sign pero teka parang may mali.

Pagkatapos  kung titigan ng matagal ang unang senyales o ang first sign ay dali-dali akong umalis at tinahak ang daan pabalik ng school upang magpahayag ng nalalaman ko patungkol dito at sabihin sa mga Head ng School na it's Fake pero hindi pa man ako nakakalayo ay nagpakita na ulit SIYA


"Tsk , so are you going to report this to them? How pathetic Zharmes" kahit kailan talaga ang sama ng mga sinasabi NIYA ewan ko ba kung bakit gusto parin siyang maging kaibigan ni Alysa i just wonder ano naman kaya ang ginawa NIYA at tila parang NAGAYUMA si Alysa?

"So,  what kung sasabihin ko may magagawa ka ba? Tsaka as far as i remember kayang-kaya mong manipulahin ang ulap at kung sila napaniwala mo na lumabas na nga ang unang senyales sorry ka girl , hindi mo ako napaniwala . Ano na lang kaya ang sasabihin nila kapag nalaman nila ang ginawa mo?" balik kung tanong sakanya na sa tingin ko ay kinagulat niya

Crystal Snow ||BangChinFF||√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon