27thCS- Past.5

14 1 0
                                    


27thCS- Past-part 5

ZHARMES POV

Taena bakit ang tagal naman ni Spring? Hotek asan na ba yun? Kanina pa siya umalis ah? Madilim na sa labas asan naman na kaya yun nanggaling? Sabi niya sandali lang siya hotek na spring yan sinungaling! Pareparehas talaga ang mga lalaki ei lahat mga sinungaling! Nakoo makapaglakad na nga at hanapin na nga kung nasaan na yun.

Unti unti akong tumayo sa pagkakahiga ko at kahit na masakit ang tinamo kong sugat sa pakikipaglaban ko kanina ay pinilit kong tumayo at napaaray ako sa nararamdaman ko ngayon dahil ramdam na ramdam ko ang muling pagbukas at pagbulwak ng dugo na nanggagaling sa sugat ko at sa tingin ko ay mas malala siya ngayon dahil ramdam ko ang unti unting pagpunit ng munting balat ko na mas lalong sumakit dahil hindi pa ito nagagamot at nalilinisan.

Pagkalabas ko ng kweba ay gusto ko ng bumalik muli at mahiga na lang dahil sobrang sakit na nang nararamdaman ko pero hindi ako pwedeng tumigil at magpahinga dahil hanggang ngayon ay wala pa si spring .

Taena saan ba kasi nagsusuot yung taong yun? Baka naman nawawala na? Dapat yata pinadalhan ko yun ng mapa para hindi siya nawala ng ganito susme!

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may napansin ako sa may damuhan.

Sandali... dugo ba ito?

Sinundan ko yung mga butil ng dugo hanggang sa may napansin akong kakaiba sa dugo na ito.

"Teka lang, hindi ito dugo ng tao... ang dugo ng tao ay kulay pula hindi asul! Shet! Isang nilalang lang ang may dugong ganito! Mga manananggal! Pero ano ang ginagawa ng manananggal dito?"

Hindi na ako masyadong nagisip pa at tumakbo na lang ako at sinundan ko na lang yung dugo hindi ko na pinansin pa ang mga matutulis na bato na tumatama sa binti ko na nagiging dahilan para masugatan at duguin ako napansin ko rin na medyo nananakit na yung braso ko at tila may mainit na likido na tumutulo doon at pagtingin ko hindi nga ako nagkamali sa iniisip ko dahil nagdudugo nga yung sugat ko sa braso

Shet! From braso to binti may sugat at nagdudugo pa! Buti na lang wala dito si alysa baka mahimatay pa yun at makatulog nanaman ng matagal at mahabang oras o di naman kaya ay makatulog ng ilang buwan!

Napatigil ako sa pagtakbo ng maalala ko sila... hmm kamusta na kaya sila? Ano na kaya ang nangyari sakanila? Maayos pa kaya sila? Nakilala na kaya nila yung prinsesa ng mga bampira? If ever na mameet na nila yun sana malaman nila kung nasaan na kami at sana mapuntahan nila kami dahil hindi kami makakaalis dito kung wala ang tulong nila at kung hindi nila dala iyon.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo at kahit pawisin na at puro dugo na yung katawan ko ay hindi ako tumigil sa pagtakbo dahil inaalala ko yung kalagayan ni spring ngayon dahil sa tingin ko nasa panganib siya ngayon at hinding hindi kakayanin ng konsensiya ko kung napahamak siya!

Napatigil ako sa pagtakbo ng natigil ang patak ng dugo kaya napaangat ako ng tingin at nagulat ako sa nakita ko andito ako sa Abandoned Building...

Crystal Snow ||BangChinFF||√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon