24thCS-Past .2

14 2 0
                                    

24thCs-Past (part2)

SPRING POV

UNTI-UNTI kong minulat ang mata ko at napaupo mula sa pagkakahiga ko sa sahig at igila ang tingin ko sa isang Hindi pamilyar na pasilyo walang kahit na anong gamit dito kundi mga picture frame lang na nakasabit sa dingding ang makikita mo .

"Gising ka na pala"

"Wah! Ano ka ba naman Zharmes huwag ka ngang manggugulat diyan! Bago ka naman magsalita isipin mo muna kung magugulatin yung tao o Hindi"

"Ok"

What the? Sa dami ng sinabi ko yun lang ang sasabihin niya? Pasalamat siya mahal ko siya ayiee sana all mahal teka nagmahal na ba ang presyo ng mga gulay?

"Anong iniisip mo dyan?"

"Hmm? Ako ba kausap mo Zharmes?"

"Sino pa nga ba? Ikaw lang naman ang kasama ko na nandito alagan naman kausapin ko yung mga tao na nasa picture frame?"

"Pwede naman Zharmes pwede mong gawin wala namang pumipigil sayo eh"

"Kapag ako tuluyang naasar sayo itatapon na talaga kita"

"Eto na nga titigil na pero Zharmes.."

"Ano nanaman?"

"Galit ka?"

"Yan lang ba ang itatanong mo?"

"Uhh... Oo?"

"Fine"

"Fine ang alin?"

" bwenas! Akala ko ba Hindi ka na magtatanong Spring Cepheus Kang?"

"Sorry na"

Tumayo si Zharmes sa pagkakaupo niya sa sahig at pagkatapos ay pumunta sa may isang picture frame at tinitigan iyon at dahil sa dakilang curiosity skills ko ay unti unti akong lumapit sakaniya at tinitigan din kung ano ang tinitingnan niya pero teka bakit bulaklak yung nasa picture? Isang klase ng bulaklak na ngayon ko lang nakita actually yung itsura ng bulaklak kakaiba , nakakabighani pero at the same time nakakatakot bakit? Kasi yung bulaklak mismo ay halos naglagasan na ang petas nito at tanging iisang petal na lang ang nakaattach mismo sa tangkay nito pero ang nakakabighani pa dito ay yung kaiisa isang petal ay kulay puti lang na may mga thread or guhit guhit mismo sa petal nito na tila kumikinang pero yung mga naglagasang petals sa ibaba ay bakit ganun? Bakit black na ang petal niya at the same time bakit may nakatatak na na ahas sa mismong bulaklak? Pano nangyari yun?

"Spring yung tungkol sa tanong mo kanina..."

"Oh bakit anong meron sa tanong ko Zharmes?"

"Oo galit ako"

"Galit saan? Kanino? Bakit?"

"Galit ako sa lahat" pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis siya sa pagkakatingin sa picture at lumayo ng konti saakin sabay tingin sa bintana

Crystal Snow ||BangChinFF||√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon