21thCS- The Kingdom

11 2 0
                                    

21thCS- The Kingdom

                                    KENT

Pagkatapos akong gamutin ni Isabelle ay nag-umpisa na kaming maglakad sa medyo mabatong daan ng gubat. Hindi ko alam kung bakit sumusunod pa ako ngayon sakaniya siguro dahil dala na rin ng instinct na sinsabi na sumama ako sakaniya dahil baka alam niya kung nasaan sina Spring and Zharmes.

"Kent, anong bang meron at gustong-gusto niyong mahanap si Spring at Zharmes?" Napalingon ako sa tanong ni Isabelle saakin na nakakunot-noo na nagtatakad sa tanong niya na tila hindi niya ba alam kung ano ang dahilan kung bakit ko sila hinahanap hindi ba halata na kailangan ko silang mahanap bago pa mahuli ang lahat? Pero hindi pinansin ni Isabelle ang nagtatakang tingin ko sakaniya bagkus nagpatuloy lamang siya sa  paglalakad habang pinagmamasdan ang paligid kaya wala na akong nagawa kundi mapabuntong hininga at magpaliwanag sakaniya

"Isabelle hinahanap ko sila kasi nag-aalala na ako! Hindi ko na alam kung kumakain  ba sila  , kung nakakatulog ba sila ng mahimbing , kung ligtas ba sila, kung may sakit  ba sila , kung buhay pa ba sila o kung wala na sila pero wala! wala akong alam sa mga nangyayari sakanila! Oo hindi kami close ni Zharmes pero nag-aalala ako para sakaniya! Si Spring? Isabelle Kaibigan ko yun!  Parang Kapatid ko na  yun! At hindi ako mapalagay ngayon dahil hanggang ngayon hindi ko pa sila nakikita! Hanggang ngayon blanko pa rin sila! Hindi pa rin sila nakikita hanggang ngayon! Wala pang balita o testigo man lang na nakita sila! Isabelle alalang-alala na ako Hindi ko na alam ang gagawin ko!" Habang sinasabi ko yan Kay Isabelle ay naluluha ako ay hindi naluha na pala ako at hindi na ako nagulat nang yakapin ako ni Isabelle.

"Kent, don't worry okey lang sila . Hindi sila mapapahamak" sabi ni Isabelle sabay tahan saakin

Pero wait.....

Anong sabi ni Isabelle?

Napahiwalay ako sa yakap Kay Isabelle at nagtatakang nakatingin sakaniya.

"Anong sabi mo Isabelle? Paano ka nakasisigurado na okey lang sila? Paano ka nakakasigurado na walang nangyaring masama sakanila? Paano ka nakakasigurado na ligtas sila? Paano???" Another embrace coming from her ang natanggap ko

"Shhhh tama na Kent  huwag ka ng umiyak, sigurado ako na ligtas sila, na walang nangyaring masama sakanila, dahil alam ko na hindi pababayaan ang isa't isa at Malay mo tinutulungan pala sila ng ibang tao? Kaya huwag ka ng umiyak Kent magtiwala ka sa kanilang dalawa" paniniguradong sabi ni Isabelle saakin pero hindi pa rin ako nakombensido kaya patuloy lang ako sa pag-iyak kaya wala nang nagawa si Isabelle kundi kayapin na lang ako ng mahigpit at pilit na pinapatigil sa pag-iyak

Maya Maya lang ay may naramdaman akong tila may dumapo na kung anong bagay o kung anong nilalang sa balikat ko na naging dahilan upang mapatigil ako sa pag-iyak napaligon ako doon at nagsisi ako dahil lumingon pa ako doon  dahil nakita ko lang naman ang isang bagay na nagpapaalala saakin kay  spring at ito ay ang ibong phoenix. 

Si phoenix na mahalaga sakanya , si phoenix na hindi niya kayang limutin hanggang ngayon , si phoenix na mahal na mahal niya, si phoenix na kasama niya simula pa noong bata siya, si phoenix na hindi niya kayang iwan kahit na isang saglit lang, si phoenix na nawala sakanya labing walong taon na ang nakakalipas. 

Napansin  ko na kinuha ni Isabelle ang ibon na dumapo sa balikat ko at after nun nagblack-out na.

********

flashback;

" Spring dalian mo naman oh! late na tayo sa outing natin mamaya wala na tayong pwesto sa sasakyan! " sigaw ng batang kent sa batang spring at nang napansin ng batang kent na tila walang sumusunod sakanya ay lumingon siya sa likod niya at nakita na nasa malayo pa rin si spring  at tumatawa habang nakatingin sa balikat niya na tila may nilalaro doon na kung anong bagay. 

Patakbong lumapit doon ang batang kent at nagulat na lamang siya sa nakita niya pagkalapit na pagkalapit niya doon sa batang spring 

"uy sp--ring! aa--nooo y-an? ba-a-kit may i-bo-bon dya-an sa ba-li-ka-at mo? " nanginginig at kinakabahan nawika  ng batang si kent na ikinatawa naman ng batang spring dahil sa reaksyon nito 

"hahahaha kent naman! huwag mong sabihin na natatakot ka kay phoenix? naku huwag ganun hindi naman nakakatakot si phoenix eh. (sabay lingon ng batang spring sa alaga niyang si phoenix) diba baby phoe hindi ka nakakatakot? malambing na wika ng batang spring sa alaga nito sabay kiss dito na ikinawindang ng batang si kent

"ano ba spring! yak! hindi na birhena ng lips niya! nabahiran na nang maruming hayop na yan! hindi mo na pwedeng halikan pa si krass mong si anastasia! " pagbabanta ng batang si kent sa batang spring 

"hahahaha huwag ka na nang manakot dyan kent! nakita na ni anastasia itong si phoenix at mahal na mahal niya rin ito! sa totoo lang si phoenix ang baby namin ni anastasia!" natatawang sigaw ng batang spring sa batang kent

" ah basta ilayo mo saakin yang hayop na yan!" pasigaw na takbo ng batang kent kay batang spring sabay takbo papalayo

"hahahaha grabe talaga yung si kent kahit kailan matatakutin talaga siya! haist oh siya phoenix lipad ka na ng malayo ah? huwag kang magpapahuli kahit na kung kani-kanino okay? lagi mong aalagaan ang sarili mo at kapag tinawag kita dapat magpapakita ka saakin ah? sige lipad ka na baby phoenix hanggang sa muli nating pagkikita!" magiliw na nalulungkot na sabi ng batang si spring sa itinuring na n iyang alaga na si baby phoenix at pagkatapos niyang magpaalam sa alaga ay lumipad na ito papalayo na sinundan na lamang niya ng tingin at maya-maya lang ay patakbong sinundan na ang kaibigan. 

*****

" kent kent gising na nandito na tayo" 

bigla akong napagising dahil sa tinig ni isabelle at dahil na rin sa panaginip ko.... sa panaginiop ko kung saan una kung nakita ang 'baby phoenix' na alaga ni spring. Napalingon ako sa paligid ko at nagulat ako sa nakita ko.

" Kent, welcome sa kaharian ng mga bampira" 




to be continue.....

Crystal Snow ||BangChinFF||√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon