|19|

2.7K 51 0
                                    

"TL! Baka gusto mo munang magpahinga.. hinihingal na ako ehh!" Hmmnn.. alam nyo ba kung anong ginagawa namin? Hmmnn.. nakakahiya man sabihin pero nagawa na talaga namin. Hindi ko alam pero sobrang atat ni TL ehh! Hindi na ako nakapalag pa. Ginusto ko rin naman ang nangyari. Sobrang bilis kasi ng mga pangyayari hanggang sa umabot kami sa ganito.

"Hiningal ka na ehh! One round pa yun! Hindi tayo aabut sa 5 rounds niyan!" Sabi ni TL na tagaktak na ang pawis.

"Kaya mo talaga ang 5 rounds? Promise?" Malandi kong ngiti sa kanya. "Aray!!! Bakit ka nambatok??" Himas ko saking ulo. Sakit kaya nun 🤕

"Ang dirty minded mo!! Our fun run is fast approaching. How can you get to the finish line if nag jo-jogging palang tayo hindi mo na kaya. Tumayo ka na dyan at tumakbo kana ulit!" Sabi ni TL saka nagpatuloy na sa pagtakbo.

"Ayoko nah!!! Ang sakit na ng paa ko!!" Pag rereklamo ko pero hindi na niya ako narinig kasi kumaripas na siya ng takbo. Leche talaga tong si TL!!! Ang sakit na ng paa ko ehhh!!

"Marsy!! Lets go!! Ikaw pa naman ang dahilan kung bakit natalo tayo sa last game natin."

"Seriously! Stacy?? Ako talaga ang sinisi mo?? Ang sakit nun ha!!"

"Sige ka! Mas lalo ka lang sisisihin ng ibang Account pag hindi mo binigay ang best mo!!!"

"Oo na!!! Tatakbo na ako!! Kainis!!"

Nagsimula na akong tumakbo at sinundan silang dalawa. Nandito kami sa village nila TL nag insayo para sa fun run. Pagkatapos ng ilang laps naming takbo ay nagpahinga muna kaming tatlo sa may playground nila dito sa Village.

"Ang sakit ng paa ko!!! 😭😭😭"

"Wow! It was just two laps then you acting like you had run for 5 laps??" Sabi ni TL saka binato ako ng bimpo. Binato ko rin siya ng bato! Ayun bukol!!! Haha joke lang binato ko lang siya ng flying kiss 😘

"Kailan galingan mo Marsy! Kundi kakalbuhin ka ng team Captain natin!" Pananakot ni Stacy! As if natatakot ako sa bakulaw na yun.

"No need to worry! Stacy, kasi hindi niya ma resist ang charm ko."

"Talaga lang ha!! Anyways maiba nga tayo! Alam mo bang may binabalak na si Edward!" Sabi niya na may halong panunukso.

"Balak?? Balak lumadlad??"

"Hindi!! Balak niyang mangligaw sayo!!!" Excited na sigaw ni Stacy! Then I rolled my eyes!

"Bahala siya sa buhay niya!!"

"Ohh! I forgot! Iba nga pala ang gusto mo!!" Agad ko siyang na hampas sa braso kaya napa aray siya ng husto.

"Bakit mo ginawa yun???"

"Pag ikaw Stacy hindi titigil ikaw talaga ang kakalbuhin ko."

"So Edward has a chance?" Agad nabaling ang atensyon ko kay TL, hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko. "Don't worry! I wouldn't tell anyone! Besides I'm also planning courting Debbie."

Pagkatapos niyang mabanggit yung last na sinabi niya ay bigla akong nabingi. Biglang sumikip ang dibdib ko at parang namumuo na ang luha ko kaya tumayo ako at naglakad palayo.

"Marsy!! San ka pupunta??" Sigaw ni Stacy pero hindi ko pinansin instead tumakbo ako palayo sa kanilang dalawa.

Ligawan?? So si Debbie talaga ang mahal niya?? Akala ko ba ako yun?? O talagang umaasa lang ako na kaya niya akong mahalin?? 😢

Wrong Direction *GxG* (COMPLETED)Where stories live. Discover now