|23|

2.6K 48 2
                                    

Balik trabaho na naman, sino ba kasing nagpasimuno ng work, work, work na 'to kasi bibigyan ko ng upper cut at flying kick. Nasa production floor na ako at nagsimula ng mag trabaho.

3 Days na ang nakalipas nung umalis ako kina TL na walang paalam. Hindi ko na siya masyadong pinapansin, ayoko ng magkaroon pa ng connections sa kanya, lalo na nung nalaman ko kay bakla na may ginagawa nga silang milagro nung nandun kami sa kanila. Pero hindi ko parin maiwasang mag alala sa kanya.. Ahhhhh!!! Marsy!! Please! Tama nah! Wag mo ng ipilit yung sarili mo sa kanya.

"Beshy!! Ayos ka lang bah?? Bakit mo sinasabunotan sarili mo??"

"Gusto mo ikaw nalang???!!"

"Ang aga-aga bakit napaka highblood mo??"

"Wala kang pakialam!!" Tumayo ako saka iniwan si bakla sa post namin, kainis kasi! Ayokong dibdibin yung mga pangyayari pero hindi kaya ng feelings ko. Dumeretso ako ng restroom at dun na tuluyang pumatak ang mga luha ko.

Ang hirap pala nuh??

Na wala kang masasabihan sa mga sakit na nararamdaman mo??

Hindi mo pwedeng ipagsigawan at harapin yung taong dahilan kung bakit ka nasasaktan..

Kasi hindi pwede..

Wala kang karapatan..

Wala siyang pakialam..

Lalo pa't hindi ikaw ang mahal..

Ang hirap 😢

"Are you okay??" Bigla akong bumalik sa huwisyo dahil hindi pala ako nag iisa dito sa banyo. Anong ginagawa niya dito?? Lalabas na sana ako pero nahila niya yung braso ko at napaharap ako sa kanya. Tinulak niya ako ng husto dahilan para ma corner niya ako sa pintuan. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, kilig na sana yung scenario namin pero kung makatitig siya sakin parang papatay siya ng tao 🤭

Nararamdaman ko ang hininga niya na sobrang init.

"Why are you avoiding me?" Mahina ang boses niya pero sakto lang na marinig ko ang sinabi niya. Sasagot na sana ako pero..

Ahhhh.. where is the air??? Bakit nag advance ng 2 inches yung mukha niya sa mukha ko??? I'm holding my breath kasi ayokong maramdaman niya yung hininga ko. Mabaho pa naman daw yung hininga ko 😞

"You answer me."

Tumingin ako sa left side pero pinatingin niya ako sa harap gamit ng kamay niya kaya wala na akong choice kundi ang titigan siya.

"Ano! Sagot!!"

"Pano ako sasagot kung ganito tayo ngayon. Hindi ka ba na aw-awkward sa position natin ha?"

"Just answer me directly!!"

"Ano naman pakialam mo ha! Isa pa umalis ka nga dyan." Imbes na umalis siya sa harapan ko ay mas lalong niyang inilapit ang mukha niya, ohh my ghaaad!!! Hahalikan na niya ako.. napapikit nalang ako ng mata at naghintay na dumampi ang labi niya. Ba't ang tagal?? Hello?? I'm waiting!

"Is someone in the restroom??"

Ohhh!! It's Debbie!

Lumayo si TL at binuksan ang pintuan, hinila niya ako papasok sa isang cubicle dun malapit sa pintuan.

"Ughh!! I really don't like that girl!!"

"Oo nga girl!! Ako nga rin hindi siya feel!"

"Yeah!!! Ewan ko ba kung anong nakita ni TL dun."

Bigla nalang napakunot ang noo ko sa narinig na usapan nila Debbie at Betty. Habang si TL ay napa face palm nalang.

Wrong Direction *GxG* (COMPLETED)Where stories live. Discover now