|47|

1.9K 39 11
                                    

"Mom! Pupuntahan ko lang po yung client na ini recommend ni Dad sakin." Pagpaalam ko kay Mommy dito sa dining room namin.

"San ba kayo magkikita??"

"Sa Starbucket mommy yung may malapit lang sa Hilton Hotel."

"Sige! Mag text ka kung may mangyaring hindi maganda."

"Sure mom!"

Pagkatapos kong magpaalam kay mommy ay agad na akong nagtungo sa SB. Pagdating dun ay naghanap ako ng table para sa client ko. Hindi pa siya dumarating, ang tagal ha!!

"Hi! You must be Dela Victoria?" Tumayo ako at nakipag shake hands dun sa babaeng nasa mid 30's.

"Hi! That's me and kayo po??"

"I'm Maria so let's sit."

"Thank you po pala sa tiwala na ako ang gagawa ng bahay nyo ng asawa nyo po."

"Syempre! Magaling si Benidicto for sure ganun din ang anak niya. And it seems na magaling ka din sa interior design."

"Well.. ganun na siguro." Patay! Ipagdarasal ko na maganda ang outcome nito.

Ilang oras kaming nag uusap kung saan dapat e pwesto ang living room, dining room at etc.

Tumayo ako at tinignan niya ako kaya nginitian ko siya. "Excuse po muna, nature is calling."

"Ohh sure!" Sabi niya kaya tuluyan na akong naglakad pa punta sa CR. Pero sa entrance pa ako ng coffee shop ay may pumasok na tatlong babae na naka mask. Yung pang hostage taker na mask. Kaya natakot yung mga tao sa paligid. Tinignan ko lang yung tatlong babae at lumapit sakin. Hinawakan ako nung dalawang babae sa magkabilang braso kaya nanlaban ako.

"Bitawan nyo nga akong mga inutil kayo!!"  Lumapit sakin yung isang babae at tinakpan ang ilong at bibig ko hanggat sa..

"Hala! Magigising na ang bruha!"

"Ohh my ghaad!! Baka hampasin niya tayo."

"Naku naman! Ang bayolente pa naman ng babaeng 'yan."

Sino ba ang mga taong naririnig ko na nag bubulungan? Ang iingay ha!

Minulat ko ang aking mata at nilibot ang paningin sa paligid. Bakit ang daming tao? Nasa'n ba ako? May nahagip ang paningin ko kaya tuluyan na itong bumuka ng malaki.

"Pa'no ako nakarating dito???!!" Napatayo ako at sumigaw ng husto. Pinagtinginan ako ng mga tao but who cares!

"Baliw yata ang babaeng 'yan."

"May saltik sa utak!"

"Pa'no kaya nakapunta dito 'yan?"

May humila sakin pababa kaya napaupo ako sa sahig.

"Stacy??!!??"

"Yeah! It's me!"

"Pa'no ako nakapunta dito??"

"May kumidnap sa'yo."

"Kayo 'yun??"

"Uhh ha!!"

Sinabutan ko siya ng husto dahil sa sobrang inis. Kaya inawat kami ng mga kasama namin.

"Ano ba kayo??! Baka gusto nyong maiwan kayong dalawa dito??" Sabi ni bakla.

"Eto kasi!! May pa kidnap-kidnap effect pang nalalaman. Alam mo bang sobrang kaba ko nung mga oras na 'yun ha?!"

"Alam ko kasi hindi ka sasama kung yayayain ka namin ng maayos."

Wrong Direction *GxG* (COMPLETED)Where stories live. Discover now