Chapter 23

2.2K 63 3
                                    




This chapter is contained mature contents. Young readers are not suitable.



---



Tahimik ako sa upuan ko habang kumakain. Hindi ko makausap si Jared ng maayos dahil katabi nya si Catherine.

"Red, diba gusto mo nito? Mahilig ka dito." nagulat ako ng ilagay nya sa plato ang isang slice ng pineapple. Hindi ko alam na mahilig sya dun. Nakakainis.

"You remember." Nagalak pa sya dahil naalala yun ni Catherine. Kainis.

Nakita ko ang isang slice ng apples. Kumuha ako at nilagay sa plato ni Jared.

"Diba mahilig ka sa apples. Apples nalang kainin mo." singit ko sa kanilang dalawa. Nakatingin sa akin si Jared, nagtataka sya sa kinikilos ko.

"Babe.. Are you okay?" napailing ako. Hindi talaga ako okay sa atmosphere na yun. Dahil kay Catherine, nasira ang araw ko. Pati ba naman sa party na to?

"You want some drink?" nagulat ako ng yayain ako ni Mrs. Alejo. Hinawakan nya agad ako sa kamay saka inaya umalis sa table na yun. Nagtataka ako why would she do that?

"I know your not okay.." nagulat ako sa sinabi nya. Inalukan nya ako ng lightdrinks.

"I'm sorry. Naabala pa kita Mrs. Alejo." I said to her. She just smiled.

"Sam nalang.." ngumiti ako.

"Who's that lady? Yun kasama ni Red?" napalingon ako sa dalawa na nakaupo. Naiinis ako na nilalapitan nya si Jared, yun isa naman di marunong tumanggi. Hanggang kelan nya ako papatayin sa pagseselos.

"Ex ni Red." halatang nagulat si Ate Sam sa sinabi ko.

"Bakit mo hinahayaan na makuha nya ang atensyon ni Red?"

"Mas may alam sya kaysa sa akin. Wala ako alam kay Jared kundi ang mga bagay na madalas nyang gawin. Tsaka were just new in this relationship."

"You know what.. The only need of a guy is just one kiss." nagulat ako sa sinabi ni Ate Sam.

"Isang halik?" tumango sya.

"Oo. Madalas ko gawin sa asawa ko yun kapag galit sya or kapag naman naglalambing. Isang halik ko lang dun titigil yun." She said habang pinipigil tumawa.

"Parang wala naman akong lakas gawin yun kay Jared."

"Why? Its your boyfriend. You have all the right to do whatever you want." may punto sya.

"Ano yun? Hahalikan ko sya dun sa harap ng Catherine na yun?" she nod.

Paano ko gagawin yun! Yakapin nga sya nagdadalawang isip ako. What if kiss pa kaya at sa harap ng madaming tao. Naalala ko, na ginawa na ni Jared yun before. Kaya ko rin siguro. Napahawak ako sa dibdib ko.

"You may need this." nagulat ako ng iabot ni Ate Sam ang isang bote ng vodka.

"Ano gagawin ko dyan?" she grins. And I dont like the idea how she grins at me. Pero bahala na.

Kinuha ko ang bote.




---



Nakaramdam ako ng init ng katawan. Then nahihilo ako. Tinamaan ata ako ng ininom ko. Umiinom ako pero kakaiba ata yun sinubukan ko ngayon. Parang gusto ko ng umuwi. Pero nagkakatuwaan pa kami ni Mrs. Alejo.

"Alam mo ba, nung first time ko uminom.. I was with Zander.. Sinukaan ko pa sya nun e." natawa ako sa kwento ni Ate Sam. Natapos na ang games ng mga bata.. Mga adults nalang ang natira sa venue. Kaya sinulit namin ang pag inom. Hindi ko din makita si Jared. Baka kasama nya yun asungot.

Trapped In His Arms ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora