Chapter 32

1.9K 54 4
                                    






Nagising ako sa ingay ng alarm clock. Bumangon ako at nakita ko si Jared sa tabi ko. Naamoy ko ang alak sa katawan nya. Mukhang nalasing sya masyado kagabi. Naisip ko ng bumangon para makapaghanda, magluluto pa ako ng breakfast ni Jenica. Tumayo ako, at bago ako lumabas ng kwarto nakita ko ang paso ng cactus sa bintana. Naalala ko si Ralph. Napakagaan na ng kalooban ko ngayon at nasettle na ang relasyon namin ni Ralph. Were just friends.

Ngumiti ako at bumaba. Saka nagsimulang magluto bago magising si Jenica. Sinangag ko ang natirang kanin last night then scrambled eggs . Nagtimpla ako ng orange juice at nagbrewed ng coffee beans para kay Jared.

Maya maya nadinig ko ang pintuan ng kwarto ni Jenica, nakita ko syang bumaba at humalik sa pisngi ko bago naupo sa hapag kainan. Hinihintay ko nalang na bumaba si Jared.

"Kain na tayo." yaya ko sa bata.

Bago pa man kami magsimulang kumain, narinig ko ang pintuan ng kwarto namin ni Jared. Tumayo ako para salubungin sya. May hang over pa sya kaya for sure masakit ang ulo at katawan nya.

"Goodmorning Babe." Bati ko sa kanya at binalak ko sana syang halikan sa pisngi pero bigla syang umiwas. Ni hindi din sya nagsasalita. Galit pa ba sya?

Dumiretso sya sa lababo para mghilamos at naupo sa hapag saka kumuha ng plato. Hindi na ako nagsalita at sumabay na sa kanila sa pagkain. Tinitignan ko sya pero wala pa din syang reaksyon. Akala ko once masettle ko ang lahat kay Ralph, magiging malaya at masaya na akong tuluyan pero heto .. galit sa akin si Jared.

Naligo ako at nagbihis matapos ko kumain. Papasok na ako pero hindi pa din nya ako kinakausap. Hanggang sa iwan namin sya ni Jenica hindi pa din sya nagsasalita. Minabuti ko nalang na umalis na.

Pumasok ako ng trabaho na hindi mawala sa isipan ko ang inuugali nya. Ganun ba sa kanya ka big deal ang lahat ng nangyari last night? Dahil ako, kaya ko kalimutan ang mga nangyari para lang maayos na kami. Pero ngayon, parang ang hirap nya ng intindihin.

"Are you okay?" nagulat ako sa pagtapik ni Jules. Nahinto ako sa paglalakad ko papunta sa office ko. Nagbablack out ako sa sobrang preoccupied ng utak ko.

"Okay lang." Sagot ko.

"Hey. I know nag away kayo ni Jared. Riggo told me last night. Magpakatatag ka lang." tumango ako at pilit ngumiti. Isinasaisip ko nalang na isa lang ito sa mga pagsubok.

---

TOK! TOK!

Walang tigil sa pagkatok si Jasmine sa pintuan ng kwarto ni Ralph.

"KUYA! Are you in there!!" sigaw nito pero walang sumasagot. Sinubukan nya ng pilitin at pwersahin buksan ang pintuan.

"YAYA!! YAYA!! Nasaan ang mga susi!!" sigaw nya at dumating ang isa nilang katulong na may dalang mga susi saka mabilis nyang binuksan ang pintuan ng kwarto.

Pagbukas nya ng pintuan.

"Oh my god!" napahawak sya sa labi nya. Nakita nya ang pinsan na wala ng malay at nakahandusay sa lapag. Mabilis nya itong nilapitan at agad hinawakan ang pulso.

"He's just unconcious..." she said sabay inutusan ang katulong na tumawag ng ambulansya.

Nakita nya ang medicine box nito at nakakalat ang gamot sa kama.

"I need to tell this to Ate." she said at sabay kinuha ang phone.



---



JELA's POV

Natapos kaming kumain ni Jules at bumalik muli sa trabaho. Ng biglang tumunog ang phone ko, mukhang may tumatawag.

Trapped In His Arms ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon