Chapter 5

3.9K 69 5
                                        






Ilang araw na din ang nakalipas nang mamatay si Rhea. Nothing's suspicious naman at malapit na ring makompleto ang mga dormers dahil unti unti na silang nagsisidatingan.

As what ate Emily said to me na kailangan ko dawng ilihim ang pagkamatay ni Rhea kaya kahit sa ibang dormers di pa sinasabi. Wala  parin kasi akong kakilala dito maliban na lang kay Rhea which is patay na. Nahihiya kasi akong makipagkaibigan sa iba kaya palagi akong nasa kuwarto.

Maliban sa nahihiya ako ay ayaw ko ring makipag usap sa kanila. Ayokong malaman nila kung sino ako at anong ginagawa ko rito.

Malapit na palang matapos ang sembreak kaya balik eskwela na naman. Nakapagenroll narin ako sa bago kong paaralan. Malapit lang naman dito ang paaralan na papasukan ko, pwede lang lakarin. Diko nga alam kung bakit dorm ang tawag nila dito. Di ko rin naman alam kung anong kaibahan ng dormitoryo at boarding house. At tsaka wala akong oras para bigyan pa yan ng pansin.

*beep beep*

Isang message galing sa unknown number ang natanggap ko.

*Hi* - Unknown

*Sino to?* reply ko. Baka si Marco na naman to. Ano kayang trip ng mokong nayun. Ibang number daw ba ginamit kaya napangiti nalang ako.

*Ako si King

  Ako si Queen

  Ako si Jack* - Unknown

Nanlaki ang mata ko at nanindig ang mga balahibo ko sa nabasa.

*Ikaw ba to Marco? Di magandang biro ha!* - Ako

*And we are the TRINITY* - unknown

Tumaas ang mga balahibo ko ng mapagtanto ko kung sino ang katext ko. Anong kailangan nila? Ako ba? Bagohan lang ako dito sa dorm ha. Bakit ba pinagtritripan nila lahat ng tao dito, wala ba silang magawa sa mga buhay nila?!!

*Wala akong oras sa'yo!* - ako

*Ako meron.* - TRINITY

*HMMMM. Balita ko hinahanap mo daw kami?* - TRINITY

Pano nila nalaman na hinahanap ko sila? Sino nagsabi sa kanila? Si ate Emily ba? Si Rhea? Si Tita Nel? Kung hindi sila edi sino ba?Ako? Malamang hindi kaya ko nga sinekreto para di malaman. Hays bobo!

*Ano bang pinagsasabi mo?*

*ABY....... ABY.....* - TRINITY

*Ano bang sekreto mo.* - TRINITY

*WALA* - ako

*Sigurado ka?* -TRINITY

*Let me tell you something – alam mo bang kasali ka na sa laro?* -TRINITY

Kasali sa laro? Anong klaseng laro? Ang larong pinauso ba ni Andree? Ang larong nakapatay na?  B-bakit nila ako isasali? Wala akong kasalanan! At isa pa hindi ko sila kilala! Wala akong oras sa kanila!

*laro? Anong laro?* - AKO:

*The Game of Cards* - TRINITY

Tinext ko siya ng tinext pero di na siya nagreply. Maya-maya may tumawag na naming unknown number. Teka, san ba nila nakukuha ang number ko? Teka, sa cellphone ni Rhea. Ka Rhea nila nalaman ang lahat at kay Rhea nila nalaman ang cellphone number ko. Bullsh*t!

(PHONE CALL)

"Sino na naman ba ito?!" nakakairita.

"Ang game of cards na pinausong laro ni Andree – na pumatay kay ace – at ang larong papatay sayo." Wait, bakit parang gumagamit sila ng voice changer o sadyang ganyan lang talaga ang boses niya, parang robot. Ang boses nila is not the usual voice na naririnig ko sa tao.

Game of cards (completed)Where stories live. Discover now