I called tita to double check kung si Marco ba talaga ang pinapunta niya dito. – Ang tanong ko lang, bakit si Marco ang naisipan niyang ipapunta dito? Wala akong makitang dahilan para ipadala dito si Marco unless si Marco talaga ang nagpumilit na pumunta dito.... Bakit hindi nalang si Juliet total kontrabida yun ng buhay ko.
Wag mag overthink Aby kasi hindi yan mabuti. Kalma lang, kinakailangan mo munang tanongin ang tita mo para makompirma iyon. – The hell why am I talking to myself? Tita answered my call after a few ring.
"Tita siya ba ang tinutukoy mo?" I asked.
"Why, is he there already?" mahinahon niyang sabi.
"Oo! He's here already but tita why him? Wala siyang alam!" pagtaas ng boses ko.
"Wag na wag mo kong pagtaasan ng boses, Aby. By the way, tinanggap niya ang offer ko kapalit ng scholarship na ibibigay ko sa kanya." The hell? Bakit niya gagawin iyon!
"Tita, I beg you. Wag mo siyang idamay. Buhay po ang nakataya dito. Please ako nalang, wag na siya." Mangingiyak kong sabi.
"Ginusto niya yan, siya ang lumapit at hindi ako. Bakit ba ha? May tinatago ka ba at ayaw mong malaman niya? Tsss ikaw? Eh tanga ka nga eh. Padalos dalos ka sa desisyon at ang lambot ng puso mo."
"Tita please paalisin mo siya dito. Nagmamakaawa ako." Bumuhos na ang mga luha ko at humagulgol na.
"Siya ang kausapin mo, wag ako."
______________
Nasa tapat ako ng kuwarto ni Marco dahil gusto ko siyang kausapin. Nagdadalawang isip ako kung kakatok pa ba ako.
Maya-maya pa'y kumatok na ako sa pinto niya at pinagbuksan naman niya agad ako. His face is emotionless when he saw me. He's as cold as ice now. His hair, his nose, his lips and his eyes, I miss him so much. I wanna cry. What are you doing here? You shouldnt be here.
"Marco pwede ba kitang kausapin?" I asked him.
"Pasok ka muna." He gestured his hands para papasokin ako. Pumasok ako at humarap agad sa kanya.
"Marco anong ginagawa mo dito?" I asked.
"Pakialam mo?" malamig niyang sabi. Anlamig na ng pakikitungo niya sakin ngayon.
"Sabi mo ayaw ng pamilya mo na pumunta ka dito pero bakit ka andito ngayon?!" pinaningkitan ko siya at pinagtaasan ng boses.
"Ano naman sayo? Desisyon ko to at wala ka ng magagawa dun.!" Nagulat ako dahil sa sinabi niya. H-hindi ito si Marco. Hindi ito ang Marcong nakikilala ko. Ano nang nangyari sayo Marco?
"Marco listen, umalis ka na sa lugar na to. Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo dito." Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit pero tiningnan niya lamang ito.
"Wow! Concern. At saka wag mo akong pakialamanan, para rin naman to sa pamilya ko eh. Kung gragraduate ako sa magandang eskwelahan, mas maganda ang buhay na pwede kong ibigay sa kanila. Don't be so selfish Aby. Ilang buwan ko inalay ang buhay ko sayo, lagi akong nakasuporta sayo – pero wala kang pakialam dahil si Andree padin ang pinili mo. Kahit sa huli, kahit ibigay ko pa lahat! Siya at siya parin ang pipiliin mo!" Singhal niya. Gulat na gulat siyang malaman na concern ako sa kanha. Bakit ba? Palagi naman talaga akong concern sa kanya eh. Di rin siya makatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Hindi yan totoo Marco. Mahal kita. Mahal na mahal kita."
"Pero hanggang best friend lang hini ba? Noon pa ma'y alam ko na na hanggang dyan lang ang tingin mo sakin. Kahit konti ba Aby minahal mo ako ng higit pa sa isang kaibigan? HA?! At kung mahal mo nga ako.......... Sabay tayong aalis sa lugar na to."
Nakipagtitigan siya sa akin pero ako ang unang bumawi. Hindi rin ako sumagot sa kanya. "Hindi ka makasagot. Hindi mo kaya diba?" he smirked and inalis ang kanyang titig sa akin.
"Hindi ko pwedeng gawin yun." Yumuko ako at umupo sa sahig.
"Edi hindi rin ako aalis." Pagmamatigas niya.
"Pwede kang mamatay dito."
"Really? Hindi nila magagawa sa akin ang nagawa nila kay Andree."
"Marco umalis ka na dito habang maaga pa. Hindi ligtas ang lugar na to para sayo. Please makinig ka sakin" hindi siya sumagot at yumuko lang.
"Marco?" pagtawag ko ulit sa kanyang pansin.
"SHUT UP! Wag na wag mong sasabihing kilala mo ako dahil ayokong madamay sa katangahan mo. Simula ngayon hindi na kita kilala." Nagulat ako sa kanyang inasta, napakalayo na ng Marco na nakilala ko noon kaysa sa Marco ngayon.
"Kung wala ka ng sasabihin miss, pwede ka ng lumabas." Tumayo siya at binuksan ang pintuan. Lumabas na lang ako para hindi na lalong lumala ang sitwasyon.
Tumakbo ako papunta sa first floor para pumunta sa kuwarto nina tita Emily. – humahangos akong nakarating sa harap ng pintuan ng kanilang kuwarto. Pumasok na ako at hindi kumatok, andoon siya sa sofa at nanonood ng tv. – at gulat na gulat na makita ako.
"Tita please paalisin mo na yong bagong lipat dito. Hindi siya ligtas dito at alam mo yon. Maawa ka tita. Kailangan niyang makalabas sa dormitoryong to! Ayokong madamay pa siya. " Lumapit ako sa kanya at lumuhod.
"Ha? Bakit ba? Kilala mo ba yun?" kunot noo niyang tanong. OO tita Emily. Kilalang kilala ko siya! Kilalang kilala!
"Opo! Please tita. Ayokong madamay siya sa nangyayari sa dorm nato." Pagmamakaawa ko.
"Siya ang lumipat dito kaya wag ako ang kausapin mo. Hindi ko siya papaalisin dahil pera ang dala niya. Sabi ko sayo para sa pamilya ko handa kong gawin ang lahat."
"Ate please, nagmamakaawa ako sayo."
"Sa kanya ka magmakaawa Aby. Hindi ko dala dala ang desisyon niya. Kung sakaling paalisin ko man siya nasa kaniya parin kung aalis siya. pwede ba Abygayle lumabas ka na?!"
Lumabas ako ng kuwarto habang umiiyak. –Dapat may gawin ako, dapit makaalis na si Marco bago pa mahuli ang lahat.
Pero ano ba ang gagawin ko? Ayaw makinig ni Marco sa akin. I should force him. Pero paano? Kailangan niya nang umalis sa lalong madaling panahon. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya dito.
Paano ko ba siya kukumbinsihin? Hindi na ako makalapit sa kanya. Is this really the end of our friendship?

YOU ARE READING
Game of cards (completed)
Mystery / ThrillerGusto mo bang maglaro? Gusto mo ba silang kilalanin? Alamin kung sino Si King Si Queen At si Jack At ang grupo nilang tinatawag na "TRINITY" Handa ka na ba sa laro?