End Game 18

2.6K 79 12
                                    

The one with the bravest heart is the one who earn so many scratches. But being strong this time is enough.

End Game 18

"I'm not coming home"

Sheliah Santibañez

Nakarinig kami ni Lucas ng mga katok mula sa baba. He hurriedly ran downwards and I followed his lead.

Binuksan niya ang pintuan at biglang nagsipasok ang mga Kuya ko together with my friends. Girls are sniffing in tears while staring at me.

"Sheliah are you okay?" Tanong ni Kuya Trip and I shooked my head. "My sister..." Lumapit ito sa akin at yinakap ako nang mahigpit, gustuhin ko mang umiyak, walang luha ang lumalabas.

Lumayo ako kay Kuya Trip at tinitigan ko ang lahat. "Uhm... Aalis lang ako saglit, don't worry I'll be back." I smiled.

Hinarangan ni Kuya Jonathan ang pintuan. "You'll stay here Sheliah."

Umiling ako at tinabig ko ang braso niyang nakaharang sa pintuan. "Let me out please. I need air, I'm suffocating inside." Pagmamaka-awa ko sa kanya.

Natigilan siya at unti-unting bumaba ang kanyang braso. Hinawakan ko ang door knob nito.

"One thing before I leave, ayoko nang marinig ang pangalan na 'yon at ang pangalan ko. Call me Liah instead." Binuksan ko ang pinto.

"Besh... I'm sorry, kung hindi dahil sa amin nagkaganto kayo..." Nangangatog na sambit ni Autumn.

I turn my back at nginitian ko siya. "I'm glad you guys are safe."

Tuluyan na akong lumabas ng pintuan at nagtawag ng Uber. Nang makarating na iyon agad kong binigay ang address ng bahay ni Art.

Tahimik at walang imik akong nakaupo sa likod ng sasakyan hawak ang aking pouch. This is so ironic.

Nagpatugtog ang driver ng kanta sa kaniyang cellphone. I can feel my eyes burning.

I wanna hold you when I'm not supposed to

When I'm lying close to someone else

You're stucked in my head,

And I can't even get you out of it

If only I could do it all again,

I know I'd go back to you...

Tumingala ako sa itaas at umubo ako nang malakas para mahalata iyon ng driver. Napatingin ito sa akin mula sa salamin. "Please change the song."

"Sure madame." He said. Nakahinga ako nang maluwag nang palitan niya ang kanta, pero agad din iyong napawi nang mariniy ko kung kaninong tinig iyon. It's a Shawn Mendes song but he's not Shawn...

I thought that I've been hurt before--

"Who's that singer?" Tanong ko sa driver.

"He's Lucas Antonio, a famous one here in France." He replied and my jaw dropped. Sikat siya dito?

Naguguluhan akong napatitig sa radyo. "H-how? I mean-- How did he became famous here?" Tanong ko.

"He just played a song on the radio because he's famous on Manila and his voice reached the whole country."

Napahawak ako sa batok ko. Ang dami na palang nawawalang impormasyon ang dapat na nalaman ko na noon pa.

Tumango-tango na lang ako at pinagpatuloy ang pananahimik ko.

Nang sabihin ng driver na nakarating na kami, binaba ko ang bintana at pinagmasdan ang tinutuluyan niya. This will be the last time. Ayoko na.

Huminga ako nang malalim bago lumabas. Sinarado ko ang pintuan at naglakad papasok. I have his keys kaya naman mabilis akong nakapasok. I turn the lights on and a disaster welcomed me. Napaka-gulo ng sala at amoy alak ang buong paligid, napahawak ako sa bibig ko dahil naduduwal ako sa amoy.

I'm not into liquors.

Pumasok ako sa kwarto namin--niya. I opened the closet at kinuha ko ang nag-iisa kong maleta at pinasok ko lahat ng gamit na natira ko doon.

I zipped my baggage and I stood up may biglang humawak sa kamay ko.

Hinarap ko iyon and it's Art with his miserable look.

I examined his appearance, messy hair, loose shirt and unwanted smell. Hindi ko magawang mag-react sa ginawa niya at sa kanya, gustuhin ko mang suntukin, tadyakan, sikmuraan o ihulog siya sa bintana ay hindi ko magawa.

It's like my eagerness to do those things are moving backward. Siguro dahil alam ko nang nandidito siya kaya I'm not that surprise at all.

"Umalis ka na."

I heard a gunshot inside my head but I feel the pain in my heart. Umalis ka na.

Akala ko he will let me stay, akala ko lang pala.

I looked straight into his eyes. "You don't have to tell me." I mumbled.

Kinalas ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin at tumayo ako bitbit ang maleta. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang mariin hanggang sa maramdaman kong magdugo iyon.

May kung anong sakit akong nakita sa mga mata ni Art habang tinitigan ang labi ko, but I'm not sure if it's true or not. Hindi niya na ako mahal eh, why would he care for his EX FIANCÉ?

Lumunok ako ng tatlong beses at padabog kong binitawan ang maleta ko. Sinampal ko siya ng malakas. "Hindi ka talaga magsasawang gag*hin ako 'no?" I slapped him twice again. "Your cheeks are turning red but it's not because I am being sweet to you but I am being violent, stop torturing me Antonio. Stop f*cking messing with my feelings!" Sinuntok ko sa pisngi at napahawak siya roon.

"La-lahat ng sakripisyo na ginagawa natin para sa isa't-isa sa loob ng maraming taon binalewala mong gag* ka! Napaka-bobo mo! You can perfect a math algebra long menthod problems but our temporary problem, you can't! Partida isang problema lang 'yon." May lumandas na punyetang luha sa pisngi ko at hinayaan ko lang iyong magtuloy-tuloy pababa.

"I'll never go back. I'll leave and please..." My voice cracks. "Please remember me. Kahit na isang pagkakamali lang ako sa buhay mo. Just remember that I existed."

Kinuha ko ang maleta at patakbong lumabas ng pintuan at sumakay sa kotse ko sa garahe niya. Binuhay ko ang makina at pinaharurot iyon palabas ng bahay niya.

It's not a goodbye Art. It's a teaser of our new chapter. I'll never change, but I won't stay the same.

End Of All The Endings (Book 2)Where stories live. Discover now