End Game 19"I can't swim the ocean like this forever"
Sheliah Santibañez
One week later...
"Are you ready Liah?" Tanong ni Lucas sa akin.
Hinawakan ko nang mahigpit ang maleta ko and I nodded. "I need to fix things." He salutes at inalalayan niya ako pababa ng eroplano.
Tanaw ko sa 'di kalayuan ang napakaraming tao na naghihintay sa pagbabalik namin ni Lucas sa Pinas. Masaya ang fans ng Vengeance dahil makukumpleto na ulit ang banda.
They waited for so long for us to be picture perfect again and the long wait is over.
I'm wearing a black crop top with high waisted pants and a 3 inches boots. Badass for a good girl.
"OH MY GOD LIAH SANTS!"
"FINALLY YOU'RE BACK!"
"WE MISS YOU LUCAS! LIAH!"
"KUMPLETO NA ULIT ANG BANDA ASDFGHJKL!"
Isa-isa kong binigyan ng autographs at nakipag-picture din ako sa mga fans na sumalubong sa amin ni Lucas. He's smiling from ear to ear like crazy, samantalang ako I just wore my casual smile.
Humarang ang security sa paligid namin ni Lucas. I gulped, ayokong dumating aa point na hanapin nila sa akin ang lalaking 'yon.
Ayokong malaman ng lahat.
At least I can keep this a secret. Hindi para sa kanya kundi para sa career niya. I don't care about my career, wala na ngang silbi 'tong ginagawa ko dahil we're now...
Enough Liah. Stop.
Naramdaman kong hinawakan ni Lucas nang mahigpit ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakatanaw siya sa labas ng airport.
Patuloy kaming naglakad hanggang makarating kami sa labas at naroon na ang sundo namin.
Binuksan ni Kuya Axel ang pintuan ng sasakyan. "Welcome home Liah!" Masigla niyang bati.
"Si Lucas hindi mo babatiin kuya?" Tinapon ni Kuya Axel ang tingin kay Lucas at humalakhak.
"Hey dude. Welcome home."
Ngumiti si Lucas at tumango. Pumasok ako sa loob ng sasakyan, hinintay kong pumasok si Lucas pero hindi niya ginawa.
Hinawakan ko ang braso niya at napatingin siya sa akin. "Pumasok ka na."
Isang seryosong tingin ang binigay sa akin ni Lucas. "Mauna ka na, I need to finish something. Mag-ingat kayo." He kissed me in my cheek at tuluyan na siyang lumisan.
Napahawak ako sa pisngi ko. Did he just kissed me?
"EHEM... G*go yun ah?!"
Bigla kong sinarado ang pintuan ng sasakyan. "Tss, umuwi na tayo."
Napailing na lang si Kuya at pinatakbo niya ang sasakyan. I opened the window at pinagmasdan ko ang mga nadadaanan namin.
Parang mga one month or and a half lang akong nawala, feeling ko ang dami ng nagbago? It's September 23, 2018 Liah.
ber months na, so therefore you'll strt seeing Christmas stuffs around the city.
Naglakbay ang mga mata ko sa naglalakihang billboards na nakalatag ngayon sa EDSA, naagaw ng pansin ko ang isang billboard doon. It's me and Art... Eto yung last photoshoot namin for the public, to tease them on our wedding.
I smiled bitterly, but that wedding is so impossible to be held.
Nakaupo si Art sa isang piano chair habang ako ay nasa likod niya na nakayakap sa kanya. He's staring me and I am smiling ear to ear while looking at him too. Nakahawak siya sa dalawa kong kamay na nasa dibdib niya. How sweet.
"Ipapatanggal ko na rin yang billboard na 'yan. Two weeks na daw yang nakatayo. Naiirita na ako."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kuya Axel, sinarado ko na lang ang bintana at sumandal ako sa upuan. Unti-unting bumaba ang mga talukap ng aking mga mata.
It's like reminiscing the good old days, parang balik crush stage. Kung saan hanggang pagtingala na lang ulit ako sa kanya, kung saan hanggang tingin na lang ako sa kanya.
I wish he would come back, as my lover but. I think this is enough. I need to stop thinking about him, he's not my world anymore. I don't have to rotate around him anymore.
"By the way you have an assistant, her name is Felicia. Ma-memeet mo din siya soon but as of these coming days hindi muna, she will be busy arranging your schedules and other stuffs."
Assistant? "Kuya, that's too much for an assistant."
He just shrugged. "You need her trust me." He winks.
Bumalik ako sa pagkakatahimik.
Maybe moving on is the key or the cure. I just need to show him that I'm doing better than I ever was.
"Don't worry about her Liah. Nandito lang kami ng Dad mo. You can tell us if you're in pain." Hinagod ng nanay ko aking likod.
Narinig ko ang pagkabasag ng isang bagay kaya sabay kaming napatingin ni Mom kay Dad. Hinagis nito ang isang vase sa pader na naging sanhi nang pagkabasag nito.
"Dad!"
Pabagsak niyang linapag ang kanyang mga kamay sa lamesa. "That bastard. Pinagkatiwalaan ko siya, and now he'll just hurt you again?!"
Napayuko ako, ayokong sumagot kay Dad sa ganitong sitwasyon. Bugso ng damdamin ang nararamdaman niya, hindi ko pa siya makaka-usap ng matino.
"Hon, don't yell at Liah." Kinuyom ko ang aking mga kamao. Hon.
Tumayo ako, ngumiti ako ng kay tamis. "Dad, Mom... It's been weeks and I am all over it. Tanggap ko na pong hindi siya para sa akin, tsaka ginusto ko rin naman po iyon. We both cancelled the wedding because hindi na namin mahal ang isa't-isa so there's no reason for me to endure the pain alone! We are both in pain but ako? Look, I'm living my free life again and that's the best thing that happened right after that pain. Masaya na po ako, I can find someone better than him and he could fine someone better than me too. I'm a lock and he's a key. But he doesn't fit."
Napawi ang galit na emosyon ni Dad, his face soften. "You... You're the one who broke it up?" Umiling ako.
Tumawa ako nang mahina. "No dad, we're the one who broke it up. Hindi na healthy ang relationship namin, we can still be friends but as lovers? Probably not." Bumuntong-hininga ako and I waved my hand. "Akyat na po ako sa kwarto ko. Huwag niyo nang isipin yung bagay na 'yon. I'm happy, have sympathy... Charot hahaha! Sige po una na ako." Tumalikod na ako sa kanila and I started walking like a silly little child who's excited for an ice cream.
Nakasalubong ko ang mga kasambahay namin. "Welcome back po Miss Sheliah."
Nginitian ko sila. "Thank you, pero can I have a request?"
Tumango silang anim. "Good, don't call me Sheliah starting today. Mas prefer ko na kasi yung Liah kasi--uhm basta haha. Sige akyat na ako."
Tumango sila. Umakyat na ako sa kwarto ko and I locked myself.
This will be the last time Liah, hindi ka na pwedeng magsinungaling pa sa kanila.

YOU ARE READING
End Of All The Endings (Book 2)
RomanceBOOK 2 of Revenge On My Player Ex (COMPLETED) After their enchanted wedding proposal, Sheliah and Art flew to Paris to enjoy their lives and love each other without limits. But then something happened that causes Art to lose Sheilah in just a blink...