Chapter 1: A Tough Beginning

264K 3.5K 227
                                    

Chapter 1: A Tough Beginning

HANGGANG sa mga oras na iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Eunice na nagising na talaga si Terrence mula sa pagkaka-comatose nito nang mahigit-kumulang dalawang buwan. Kaninang umaga pa nang magising ito at buong araw itong sinuri ng mga doktor. Kahit ang mga ito kasi ay hindi makapaniwala na nagising pa ang asawa niya pagkatapos tumigil sa pagtibok ang puso nito.

            It's indeed a miracle for all of them to see.

            "We will continue some tests tomorrow, Mr. Aranzamendez. For now, you can eat and rest," nakangiting sabi ni Dr. Rescober. "Have a good night."

            Nagpaalam din sa kanya ang doktor bago tuluyang lumabas.

            Sa gabing iyon ay siya na lang ang natira sa ospital dahil nagsi-uwian muna ang mga kapamilya ni Terrence at bukas pa ulit babalik. Siya naman ay hindi na lumayo pa sa asawa nang magising ito.

            Tumingin sa kanya si Terrence. His brown eyes were looking at her with love. Ngumiti ito. "Come here," he softly asked. Itinaas nito ang mga nanghihina pang braso at ibinuka iyon.

            Mabilis siyang yumakap rito. Nakailang beses na ba silang nagyakap nito sa loob ng isang araw?

            Kahit nanghihina pa ay ramdam ni Eunice kung gaano siya kagustong yakapin ng mahigpit ni Terrence. Siya naman ay iniingatan ang pagyakap rito dahil baka may masakit pa rito.

            "I miss you," bulong nito sabay dampi ng labi nito sa noo niya. "Lagi kitang naririnig, alam mo ba?"

            Napatingala siya rito at nanlaki ang mga mata. "H-Huh? Naririnig mo 'ko habang nasa coma ka?" Posible pala iyon?

            Marahang tumango ito. "I wanted to smile every time I hear how positive you were despite my condition and how you always took care of me." Hinaplos nito ang buhok niya gamit ang kamay nitong walang suwero. "I also wanted to cry with you whenever you're losing hope and b-begging for me to wake up. God knows how much I wanted to move just to give you the sign you wanted to see."

            Nakagat niya ang ibabang labi at pinigilan ang mga luha sa pagtulo. Ayaw niya nang umiyak dahil nag-uumapaw sa saya ang puso niya na, heto at nakakausap niya na ulit ang asawa. Pero sa mga sinabi ni Terrence, all along he was with her—listening to her.

            "Kapag nakalabas na 'ko rito, puntahan natin ang p-puntod ni Rachelle."

            Mabilis siyang tumango. "Yes, yes. Puntahan natin si Rachelle. Alam kong may mga gusto ka ring sabihin sa kanya."

            Napabuntong-hininga ito. "Any news about my son?"

            She cupped his face. "Malapit na siyang mahanap nila Matthew. Huwag ka mag-alala, one of these days, we will able to find Renz."

            Hinawakan nito ang kamay niyang nasa pisngi nito. "Thank you for searching for them habang... natutulog ako."

            "When I woke up after the accident and when I learned about your condition, nag-promise agad ako na kapag gumaling ako, ipagpapatuloy ko ang paghahanap kay Rachelle at Renz para pagkagising mo, nandito na sila. Pero..." napayuko siya. "I was too late for Rachelle. And your son was—"

            "Shh..." pigil sa kanya ni Terrence. "You've done what you could, Eunice. That's what matters most."

            She swiftly kissed him on the lips. "By the way, gusto mo na bang kumain? It's almost past dinner."

Love at its Toughest (Love Series #2)Where stories live. Discover now