Chapter 20: A Tough Condition

116K 2.1K 71
                                    

Chapter 20: A Tough Condition

"I REVIEWED the blue print, I approved the scale. Present a 3D model of the plan by the end of the month."

"Yes, Engineer."

Napatingin ulit si Terrence sa blue print na pinakita sa kanya ng mga senior engineers at architects ng Sagittarius. Their latest project is a village development. Sa kanila pinagkatiwala ang buong construction hanggang sa landscaping at interiors.

Nang may mapansin pa siyang flaws ay agad niyang tinuro iyon at nagbigay ng suggestion kung paano mas mapapaganda ang plano.

Mabilis namang natapos ang meeting. Pagkalabas ng mga ito ay pumasok naman ang sekretarya niyang si Nunaly. "Engineer, Sir. Your cousin is outside."

"Who?"

"Mr. dela Merced. The NBI agent. Iyon po iyong sabi niya."

Tumango siya at napaupo sa swivel chair. "Let him in. Thank you."

Ano kayang sadya ni Matthew sa kanya ng ganoon kaaga? Hindi na sila madalas nagkakausap ng mga pinsan niya sa ina magmula nang bumalik siya sa trabaho. Lalo na si Matthew. Ang huling pag-uusap nila ay noong na-ospital pa si Renz.

"'Insan! Long time, no see!" bati nito pagkapasok pa lang nito ng opisina niya.

One side of his lips lifted. "How are you doing, Matthew? Please, take a seat."

Umupo ito sa harap ng lamesa niya. "Ah, may inaasikaso akong operation ngayon. May illegal smuggler na nakapasok ng bansa. Under surveillance na siya since last month."

Napatangu-tango siya. Sanay na siyang naririnig kung gaano kapanganib ang mga kinakalaban nito. He's concerned about Matthew's life. Dahil hindi naman ganoon kadali ang maging NBI agent. And his cousin was a devoted one. Kaya nitong sumalo ng bala basta lang mabawasan ang krimen sa bansa.

"What brought you here by the way?" tanong niya habang inaabot ang isang folder sa ibabaw ng lamesa niya. Binasa niya ang papeles na nasa loob niyon.

"Terrence, I need your help. It's about Frances."

Napaangat siya ng tingin rito. "What about her?" marahan niyang tanong.

Matthew leaned forward. "Look, I know you're not in good terms with your ex-girlfriend but we need to help her. Ang illegal smuggler na tinutukoy ko na minamanmanan namin ay si Brandon Thomas-half Filipino, half Australian businessman. Hindi lang siya basta smuggler ng illegal guns and cars, he's also a murderer. Basta mahabang kuwento. Ngayon lang, dapat mailayo si Frances sa kanya at hindi matuloy ang kasal nila. Their marriage will give access to that Thomas to use Frances' family's business para maging front sa illegal activities niya rito sa Pilipinas-"

"Wait, wait-so you're saying that this Brandon Thomas is Frances' fiance?"

"Exactly."

Napasandal siya sa kinauupuan at hindi makapaniwalang napailing-iling. "She'll marry an illegal smuggler... imposibleng hindi alam ni Frances iyon," aniya dahil kilala naman niya ang babae at hindi matatago ng fiance nito ang pagkatao rito.

"Yes. Obviously, alam ng babaeng iyon."

"Kung ganoon, bakit hindi na lang niya hiwalayan at huwag ituloy ang kasal?"

Napabuga ng hininga si Matthew. "Sabi ni Frances, mahal niya daw. But! I have a guess na sinasaktan siya at pinagbabantaan ng Thomas na iyon. I saw some proof. Naisip ko rin na kaya hindi magawang makipaghiwalay ni Frances dahil pinagbabantaan-hindi lang ang buhay niya pero ang buhay rin ni Cyla."

Love at its Toughest (Love Series #2)Where stories live. Discover now