Chapter 2: A Tough Formula

194K 3K 103
                                    

Chapter 2: A Tough Formula

God must be in the center of each marriage for it to blossom and reach its full potential... When a husband and wife are tapped into the bottomless ocean of the Lord's grace, love and mercy, they are eager to have that overflow onto each other. Pray for strength, guidance, and wisdom to love each other well.

(credits: www.allprodad.com)

❤❤❤

LAKAD dito. Lakad doon.

Halatang-halata kay Eunice na may gusto siyang gawin pero hindi niya magawa. She's unconsciously walking back and forth while her fingers played with the tips of her hair.

Paano niya naman ba kasi sasabihin kay Terrence ang ginawa niyang desisyon nang makausap niya si Alfred noong isang araw?

Akala niya ay madali niyang masasabi sa asawa ngunit hindi niya agad nasabi hanggang sa makalabas na si Terrence sa ospital kahapon. It dawned on her the decision she just made. Bigla tuloy siyang nangamba kung tama ba ang naging pagpayag niya sa hiling ng biyudo ni Rachelle.

Huminga siya ng malalim. Napaupo siya sa gilid ng kama at napatingala sa kisame.

"Oh, Eunice," bulong niya sa sarili. "Why can't you just tell Terrence about Alfred and his condition?"

Bakit ba kasi siya pumayag agad nang hindi man lang nakakausap si Terrence?

"Baby?"

Agad na napalingon si Eunice nang marinig ang tinig ng asawa. Palabas ito ng banyo. Naka-bathrobe at mamasa-masa pa ang manipis nitong buhok.

Tumayo siya at inaalalayan ito. Although, Terrence can walk properly but slowly, kailangan pa rin itong bahagyang alalayan para mas masanay ang muscles nito sa mga binti at tuhod.

"K-kanina ka pa tapos mag-shower?"

"Katatapos lang. Nahihirapan ako kanina sa matagal na pagtayo kaya ang tagal kong matapos. I think I really need the muscle therapy that the doctor suggested."

Tumangu-tango lang siya. Tinulungan niya itong makahinga hanggang sa maging komportable na ito.

"Ahm... Terrence?"

"Yes?"

Napayuko siya at mas inaayos ang comforter nito. "I... Last two days, I-I..." Eunice just doesn't know what the right words to say. Sa bandang huli napailing-iling na lang siya. "Never mind."

Patayo na siya nang pigilan siya ni Terrence sa isang braso. "I can feel that you want to tell me something. Go on, Eunice," hikayat nito sa kanya. Diretso pa ang mga tingin nito kaya naman lalo siyang nahirapang magtapat rito.

She took a deep breath and closed her eyes."Don't be mad, okay?"

"Bakit naman ako magagalit?"

Bumuga siya ng hangin habang nakapikit pa rin. "Kasi...n-nakausap ko si...si A-Alfred,"mahinang sabi niya.

"Alfred? Alfred Garcia?"

Unti-unti niya nang dinilat ang mga mata at bumungad agad sa kanya ang curiosity sa mukha ni Terrence. "Yes...siya nga. Rachelle's husband."

"Okay," tumatangong sabi nito. "Kailan mo siya nakausap?" nagtatakang tanong nito.

"Two days ago. Dapat sasabihin ko sa'yo agad. Lalo na, the matter we discussed is about your son... But, but-"

"Eunice," Terrence interrupted. Mabilis itong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. "I can't understand you, baby. Hinay-hinay lang,"he smiled and reached her hand. "May naging problema ba sa pag-uusap niyo?"

Love at its Toughest (Love Series #2)Where stories live. Discover now