Chapter 1

1.2K 32 7
                                    

Chapter 1

Sharlene's POV

"Don't say yes run away now, I'll meet you when you're out of the church at the backdoor~" Sinasabayan ko ng kanta ang earphone na nakasalpak sa tenga ko ngayon.

Nagpapatugtog ako ng Speak Now ni Taylor Swift. Nagsa-sound trip muna kasi ako habang hinihintay ang teacher namin sa Filipino. First Subject namin.

Haaaaaaaaaaaaaay................ Super nakakatamad naman ngayon!!! Seriously ayokong pumasok.... Wala ako sa mood eh. Sana wala na lang pasok ngayon eh! Edi sana nagcocompose na lang ako ng kanta ngayon! Tss........

Ako nga pala si Sharlene Gail Cruz. Grade 8, 14 yrs. old. Everyone calls me Sharlene. Not Gail. No one ever calls me Gail. Syempre except sa bespren ko!

"Magandang Umaga sa inyo." Ayan na pala si Miss. Buti naman at ng may magawa naman. Tumayo naman kami at binati din si Miss at umupo din agad agad.

"Bago natin umpisahan ang ating aralin sa araw na ito, nais ko lamang ipakilala ang bago ninyong kaklase simula ngayon." Napakalalim naman ni Miss mag-tagalog! Grabe!!! Nakakanose bleed sya ah!.

Nagbulungan na naman ang mga kaklase ko. Ganyan naman yang mga yan sa tuwing may bagong napasok dito eh! Kasi iniisip nila na baka sikat daw ang pumasok dito.

Sikat kasi ang school namin dahil many famous actor/actress and singers study here. Bukod nga dun, puro mayayaman at magaganda at gwapo "daw" ang nandito.

Ewan ko lang kung totoo nga yun ah pero yun ang paniniwala nila eh. Its their opinion, not mine.

"Tumahimik muna kayo. Nais kong ipaalam sa inyo na dalawang sikat na lalaki ang mag-aaral dito at magiging kaklase nyo. Ngunit, isa lamang ang dumating ngayon dahil may inaasikaso pa ang isa sa kanila sa lugar na pinagmulan nya."

Ahh.......... Ok.......... Masaya sana kung ang mag-aaral dito eh yung mga sikat na young kpop idols! Yung magagaling kumanta! Hahaha joke lang yun.

Teka......................... Sikat daw na lalaki? Sino kaya yun? Oh............ Wait. I think I know who it is.

Oo nga pala! Tinawagan ako ni JK nung sabado! Sabi nya dito na daw sya mag-aaral sa school na pinapasukan ko! Baka sya yung isa dun!!!! Yes naman!!!! Miss ko na yung bespren ko na yun eh! Sikat na sikat na sya grabe! Napapanuod ko sya sa The Voice Kids eh!

Pero sino kaya yung isa? Pero oo nga pala. Sabi nya may kasama daw sya dito na kaibigan. Baka yun yung isa! Eh parehong sikat diba? Baka taga The Voice din yung isa. Pero sino?

Eh si JK lang naman kilala ko dun dahil pag tapos na syang kumanta eh di ko na pinapanuod! Sya lang pinapanuod ko dun tapos nagvovote ako sa kanya. Pinapanuod ko lang din kung sino panalo kaya hindi masyadong pamilyar yung ibang kasali sakin.

Ok. Back to the story na tayo. Edi ang ingay ingay na nga samin ngayon dahil lalo ng nagkakagulo. Eksayted nga kasing malaman kung sino yung dalawang sikat na lalaking lilipat!

"Ok Class. Inaasahan ko na tatratuhin nyo siya ng maayos. Kaibiganin nyo sya at pati na rin ang isa pang sikat na kasama nya na darating maaaring ngayong linggo din oh sa susunod na linggo."

Anu ba yan si Miss! Pinapabitin pa kami eh!!! Ayan tuloy lalong nagkakagulo! Kaya lang naman ako medyo nabuhayan dahil baka si JK na yan eh!!! Pero oi! Shhh lang kayo ah! Tayo lang nakakaalam na bespren ko si JK. Tayo lang nakakaalam sa ngayon at tayo lang nakakaalam na dito sya mag-aaral!

"Siya si..................................."

I secretly crossed my fingers and thought to myself.......

Juan Karlos Labajo

Juan Karlos Labajo

Juan Karlos Labajo

Juan Karlos Lab--

"Darren Espanto, maaari ka ng pumasok." - Miss.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!!!!!"

"OH MY GOSH!!!!!!!!!!"

"ITS DARREN!!! CAN'T YOU BELIEVE IT?!!! WAAAAAAAAAH!!!!!!"

"I CANNOT BELIEVE THIS!!!"


I really cannot believe this................................ Napaupo na lang ulit ako sa upuan ko ng pumasok na yung Darren at nagkagulo na..........

Awwwwwwwwwwwwwww... Hindi pala si JK yun. Akala ko sya na. Siguradong pagkakaguluhan din yung lalaking yun! Grabe!!! I miss him so much!

Tiningnan ko na lang kung paanong magpakilala yung Darren na yun sa harap at kung paanong makipag-shake hands sa kanya yung iba.

Sino ba yang Darren na yan? Sikat din sya diba? Oo malamang. Medyo tanga lang Sharlene? Kakasabi nga lang eh! Ok nawawala ata utak ko,pakihanap naman.

Napatingin naman ako sa katabi kong si Maxene na tulala kay Darren at ngiting ngiti. Kinalbit ko sya. "Maxene."

"Oh? Bakit?"

"Sino sya?" sabay turo dun sa Darren nga daw ata.

Nagtinginan naman yung iba sakin at yung iba nagkakagulo parin dun sa sikat nga daw na lalaki.

"EH?!!!" naglalakihan ang mga mata nila. Halatang gulat na gulat.

Bakit ba? Sino ba si Darren? Sori na!!! Sino ba sya?

The Unexpected Love (Darren Espanto FF)Där berättelser lever. Upptäck nu