Chapter 4

826 33 3
                                    

Chapter 4

Sharlene's POV

"Cause I love you Baby , I hope that you know that I'll always be here when you need a shoulder..... I'll watch from afar as you walk down the aisle with the girl you really love~" I hummed the chorus of the song that I'm composing.

By the way, nakaupo ako ngayon mag-isa dito sa isang upuan sa Cafeteria. Break time kasi.

Mukha na naman akong loner pero di naman talaga ako mapag-isa. Sadyang lahat lang eh nakatuon ang pansin kay Darren kaya laging wala akong kasama. Di naman kasi ako nakikigulo sa mga fan girls nya.

Then suddenly, may umupo sa tabi ko and guess who?

"Yan na ba ang kanta natin sa project Sharlene?" he said while smiling.

"Oo. Etoh na nga. Pero chorus pa lang nagagawa ko eh." sinabi ko na lang habang nakatingin sa kantang kinocompose ko.

Nagkakausap lang kami minsan pero medyo nahihiya parin ako sa kanya eh. Di ko alam kung bakit pero somehow, when I'm with him, I feel something strange deep inside eh. Simula nung inapproach nya ako.

Ewan ko ba!!! Patingin na kaya ako sa Psychiatrist? Ngayon lang kasi nangyari sakin toh eh! Weird.

"Nice. Ganda ng chorus eh. Kantahin mo nga Sharlene. Sabayan kitang kumanta." -sya.

"H-ha? S-sabayang kumanta? Ah.....eh....ano kasi...." Aish! Anu ng gagawin ko? Nakakahiya naman eh!

Bigla naman syang tumawa. "Dali na! Okay lang yan. Parang di naman tayo magkaibigan nyan eh. Dali na. Please?" at nag-pout pa sya. Baka patayin ako ng mga fan girls ng lalaking itoh eh!

"S-sige na nga! Ang kulit mo kasi eh." Huminga muna ako ng malalim bago kantahin ang chorus. Ngayon ko lang ito inumpisahan kaya chorus pa lang at onti pa lang yung lyrics nya.

Nag-umpisa na nga akong kumanta at narinig ko na lang ang napakaganda nyang boses na sinasabayan akong kumanta.

"Cause I love you Baby , I hope that you know that I'll always be here when you need a shoulder..... I'll watch from afar as you walk down the aisle with the girl you really love~ I'll stay here with you as long as you want me to... Yeah... And I'll never leave you and break your heart. I'l be here for you and will love you forever~"

Di ko alam na nakatingin na pala samin yun ibang mga estudyanteng nasa Cafeteria. "Ang galing mong kumanta Sharlene! Ang galing mo pang mag-compose ng kanta!"

"Ahahaha. Mas magaling ka pa din D-darren." sabi ko sa kanya. Medyo naiilang pa din akong kausapin sya.

"Teka Sharlene. Anung itatitle mo sa kanta natin?" Napaisip naman ako. Hmmmm.... Oo nga. Tama sya. Hindi ko pa naiisipan ng title.

"Hindi ko pa alam eh. Di pa ako nakakaisip." sabi ko.

"Ano na lang. Here na lang. Kasi diba madaming words dun na Here? Anu sa tingin mo?" Here. Siguro?

"Sige. Here na lang." sabi ko at ngumiti.

Ngumiti din naman sya. "Sharlene. Gail na lang kaya itawag ko sayo? Ang haba kasi ng first name mo eh. Pede ba?"

Ha? Anu daw? Gail? Eh si JK lang tumatawag sakin ng ganun eh! Tsaka sya lang hinahayaan kong tumawag sakin ng ganun. Ganun sya kaespesyal na kaibigan sakin. Awwwwwww!!! Hahaha joke lang.

Pero di ko alam kung anung pumasok sa isip ko at tumango ako.

"Sige! Gail na lang itatawag ko sayo ah!"

"Sige." Yun na lang nasabi ko sa kanya. Umoo na ako eh. Wala na akong magagawa.

RIIINGGG!!!!

Ooooops.... Bell na. Meaning tapos na ang break time namin kaya nagpupulasan na ang mga estudyante pabalik sa kanya kanyang room.

"Oh. Bell na pala eh. Halika na! Balik na tayong room Gail!" sabi nya.

"Ahh oo. Teka lang." Inayos ko muna yung ilang gamit na dala ko ng biglang hawakan ni Darren ang kamay ko at hilahin ako.

"Dalian mo Gail! Hahaha." sabi nya at hinila ako paalis ng Cafeteria.

Tumatakbo kami ngayon papunta sa building na malayo layo pa sa Cafeteria at ang room namin ay nasa 3rd floor pa! Ang saklap naman! Terror pa naman ang teacher namin ngayon after break time! Si Sir Lumandas! English teacher namin! Palibhasa biyudo eh!

Napatingin naman ako sa kamay ko na hawak hawak nya.

Dug dug. Dug dug.

Bat ganto. Parang lalabas yung puso ko sa dibdib ko. Parang rinig na rinig ng kahit sino yung tibok ng puso ko. Ngayon lang toh nangyari. Sa tingin ko may sakit na talaga ako. Kailangan ko ng magpa-check up. TT^TT

Pagtigil namin sa harap ng room, hingal na hingal ako! Sabay kaming napaupo ni Darren sa sahig habang naghahabol ng hininga.

Tumawa naman sya habang nakatingin sakin. Tumawa na din ako kaya dalawa na kaming parang baliw na nakaupo dito at nagtatawanan!

Ayan na naman. Nakatingin na naman samin ang mga kaklase namin at ngayon, ang mga mata ng mga babae? Parang nag-aapoy na sa galit at selos. Na para bang girlfriend nila si Darren.

Bakit ba? Masama bang maging close din kami ni Darren? Sila nga lagi nilang pinagkakaguluhan si Darren eh!

Di ko na lang sila pinansin ng mapadako ang tingin ko sa mga kamay namin na hanggang ngayon ay magkahawak parin pala.

>//////////< Pakiramdam ko pulang pula na ako ngayon dito eh!!!! Uwaaaaaaaaaaaah!!!!

"Oh, bakit Gail? Anung problema?" Nakatingin pa rin ako sa kamay namin.

"Ahh..... Ehh...... Ano...."

Napatingin na din sya sa kamay namin at parang nagets nya naman kaya binitawan nya na yung kamay ko.

"Ano......... Sorry about that Gail. Haha. Pumasok na nga tayo ng room. Baka maabutan pa tayo ng teacher natin dito."

Tumango lang ko at di pinansin ang mga kaklase ko. Good thing na nakuha ko na kanina pa ang mga gamit ko sa locker kaya dire-diretso na lang ako sa upuan ko.

Bigla namang tumabi sakin ang kaklase kong si Leah at kinausap ako.

"My god Sharlene! You're so lucky na binibigyang pansin ka ni Darren ng sobra! I can't believe it! Ni hindi ka nga nya fan girl eh! Hindi mo rin sya kilala at ngayon ka lang din nya nakilala! Pero siya pa madalas ang lumalapit sayo! Anu bang meron sa inyo Sharlene? Umamin ka nga! Kayo na ba?"

Anu daw? Kung kami na? What the heck is she talking about?

(A/N: Hey Darrenatics!!! I hope you read my story haha. Thanks for reading though. Sana basahin nyo at antayin ang mga update. Sana mag-vote din kayo and comment. Gusto nyong magpadedic? Sure! Gusto ko sanang magdedicate sa inyo each chapter. Thanks! I'll update next chapter also this day.)

The Unexpected Love (Darren Espanto FF)Where stories live. Discover now