Chapter 5

741 23 2
                                    

Chapter 5

Sharlene's POV

"What?! No! Hindi kami noh. Kaibigan ko lang si Darren." kunut-noong sabi ko sa kanya.

"Hindi daw. Umamin ka na kasi Sharlene. Gail pa nga tawag nya sayo eh! As to what I know, hindi mo hinahayaan ang kahit sinong tawagin ka ng Gail except those people special to you like yung pinagmamalaki mong bestfriend nuon and your family."

Andami nyang alam ah. Ikaw na Leah. Ikaw na talaga.

"Tss..... Bahala kayo kung anong gusto nyong paniwalaan basta, hindi kami. Magkaibigan lang kami."

Yun lang at tinalikuran ko na sya. Nakakainis! Hindi naman talaga kami eh! Haaaaaaaay....... Buhay talaga,full of surprises.

{A FEW HOURS LATER}

Uwian na!!! Yehet!!! Ang saya saya. Pag-uwi ko, nagbihis agad ako ng pambahay at nagpaluto ng noodles sa katulong namin. Meryenda ko lang kasi nagugutom ako.

Pinasok ko ang bag sa malaki kong kwarto at umupo sa harap ng study table ko. Inumpisahan ko ng mag-aral dahil wala naman kaming assignment.

Saglit lang ako nag-aral at kinuha sa bag ko ang papel kung san ko sinusulat yung kinocompose kong kanta.

Napangiti naman ako ng maalala ko yung nangyari kanina. Ewan ko pero ang saya ko kapag naaalala ko yun.

Kaya ayan at inspired akong dagdagan yung lyrics nung kanta naming Here nga daw ang pamagat.

May kumatok naman sa pintuan ko at nagsalita. "Ma'am Sharlene, luto na po ang noodles nyo. Nakahanda na po sa mesa."

"Ok po sige. Lalabas na po ako." sabi ko sa katulong.

Bago ako lumabas, may natabig akong album kaya nahulog ito. Pinulot ko naman at ibabalik na sana sa pinaglalagyan nito ng makita ko yung nakalagay sa gilid nito.

Me and my Bestfriend.

Binuksan ko ito at nakita yung mga pictures namin ni JK. Tiningnan kong mabuti ang mga pictures namin. Napangiti ako. He never failed to make me smile. Kaya miss na miss ko na sya eh.

Pero ngayon? Hindi lang sya ang nagpapangiti sakin...... Di ko alam pero pati si Darren. Si Darren na hindi ko naman kilala nuon at ngayon ko lang nakilala, napapangiti na din ako.

Nakakatawang isipin pero totoo. Naalala ko na naman tuloy yung tinanong sakin ni Leah. Baliw talaga yung babaeng yun.

Binalik ko na sa lalagyan yung album at lumabas na.

Inumpisahan ko ng kumain ng noodle. Habang kumakain ako, biglang may nagsalita. Si mom lang pala.

"Hey Gail, you're home na pala." she smiled at me and kiss me on the forehead,

"Hi Mom." I replied.

"How's school sweetie?"

"Nice." sagot ko sa kanya. Bakit ba? Eh nakain pa ako eh.

"By the way anak. May sasabihin ako sayong importante." sabi nya and suddenly naging seryoso sya.

Kaya tinuon ko muna yung pansin ko sa kanya. Pag ganyan yan ibigsabihin importante talaga.

"Anu po iyon?" sya.

"Anak................ Once you turn 18, you will be married with one of my business partners son."

Wait.............. What?!

"What?! No way Mom!!! You can't do this to me?!!!" anu bang pinagiiisip ni Mom?! Ipapa-arranged marriage nya ako para lang sa business namin?!

"Yes I can Miss. Para lumago ang business natin kailangan iarranged marriaged kita sa mayaman. At dahil wala ka pa sa tamang edad, that boy will be your boyfriend."

"Hindi pwede Mom!!! Hindi ako papayag!!!" minsan lang ako sumagot kay Mom and now is the time.

"At bakit??? May naaayon ka bang rason para tumanggi ha?" sabi nya.

"Ano.......... Masyado pa akog bata para magboyfriend....." sabi ko na lang. Wala akong ibang masabi eh.

"Hindi yun tamang rason noh. Maraming bata pa may boyfriend na. At yung iba nga kasisilang pa lang pinagkakasundo na. Swerte ka pa ng lagay na yan Gail."

"Eh kasi!!!!!" pagmamaktol ko.

"Sa ayaw mo at sa gusto,wala ka ng magagawa anak." at tumalikod na si Mom at aalis na sana ng sumigaw ako. Di ako papatalo!

"Mom!!! Teka lang!!!" at tumigil sya ulit at lumingon sakin.

"Ano na naman ba Gail? Marami pa akong aasikasuhin."

"May.............may boyfriend na ako. Kaya hindi nyo ako pwedeng ipagkasundo!!! May boyfriend na ako kaya hindi nyo ako pwedeng gawing girlfriend ng kung sino mang sinasabi mong lalaki at lalong di ko sya pwedeng pakasalan!"

Oh men..... I hope this works.

The Unexpected Love (Darren Espanto FF)Where stories live. Discover now