MSF 1

30.6K 394 7
                                    

“ate, magkano po dito?” tanong ko sa tindera dito sa palengke.

“singkwenta lang 'yan,” sagot nito habang nilalagay sa supot ang binili ng katabi ko.

“sige po, dalawa nito,” sabi ko dito at binigay ko sa kanya, nilagay niya agad ito sa isang supot.

“maraming salamat po,” kinuha ko na ang supot mula sa kanya.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid upang maghanap kung may mga gamit o pagkain baa ko na pwedeng mabili dito sa palengke. Saktong nadaanan ko naman ang store na nagbebenta ng mga maternity dress

“kuya, magkano po dito sa daster?” tanong ko sa lalaking sa tingin ko na nagtitinda ng mga ito. Hinawakan ko ng bahagya ang mga tela upang tignan kung komportable ba ito kapag sinuot ko.

Ngunit hindi ata ako narinig ng nagtitinda at naka-focus lamang ito sa nilalaro niya. Ang tagal naman nito, ang sakit na ng mga paa ko.

Kuya, pahingi naman ng atensyon mo.

“tangina patay nanaman, mga bobong kakampi ‘to mga pabigat,” sigaw nito. Hindi pa siya nasiyahan sa sigaw niya kaya humabol pa ito ng palo sa upuan malapit sa kanya.

Grabe naman si kuya, galit na galit?

“kuya..” mahina ko siyang tinawag pero sapat na ‘yon upang marinig niya ang pagtawag ko sa kanya.

“ay, kanina ka pa ba diyan ate?” nilingon niya ako.

‘Ay, kakarating ko lang kuya. Pasesnya at naabala ka pa ata sa nilalaro mo.’ iyan ang mga salitang pinipigilan ko lumabas mula sa bibig ko na hirap na hirap kong pigilin.

“limang piraso po nito,” tinuro ko na lang ang mga iba’t ibang design ng mga damit na nakasabit doon sa loob ng shop niya.

Kinuha naman niya ang mga itinuro ko gamit ang panungkit. Ang cute naman! Parang gusto ko rin masubukan ang ginagawa ni kuya.

PINAGMASDAN ko ang kapaligiran mula dito sa malaking bintana ng aking kwarto. Nakita ko ang mga batang masayang naglalaro sa labas.

Kamusta na kaya siya? Naaalala niya pa ba ako o binaon na niya ako sa limot? Masaya na ba siya sa piling niya?

Hindi ko maisip na sa ganitong edad ay mabubuntis na ako. I don't even have a job!

Hinimas ko ang tiyan ko, walong buwan na ito at nalalapit na rin ang buwan ng aking kapanakan.

Marahil walang nakakaalam na kakilala ko kung saan na ba ako at kung ano ang aking kalagayan, Nawala lang ako na parang bula, na para bang I never existed. Nahihiya ako sa mga magulang ko, to the point na wala na akong mukhang maiharap pa sa kanila.

"Xiera, hija," rinig kong sigaw mula sa labas ng aking tinitirhan.

Nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang mabait na babaeng tumulong sa akin. Hindi ko inakala may tutulong pa pala sa akin.

"Ma'am Salvacion! kumusta na po kayo?" inanyaya ko siya sa sala para maupo, "Gusto niyo po ba ng tea, coffee, water, or juice?" tanong ko sa kanya ngunit umiling lamang ito, "Hindi na hija, salamat!"  

Tumabi ako naman ako agad sa kanya. Mabait si Ma'am Salvacion. Noong mga panahong lugmok na lugmok ako sa kalungkutan ay nariyan siya upang saluhin ako. Muntik pa nga akong masagasaan noon dahil wala na ako sa tamang pag-iisip ng mga oras na 'yon at siya ang tumulong sa akin.

"Nagpunta lang ako dito upang mangamusta sa iyo, kumusta ka na? ang anak mo?" hinimas ko ang tiyan ko. "We're both fine naman po. Malapit na rin po ang due date ko, next month na po. Hayaan niyo po, kapag nakalabas na itong anak ko ay babayaran ko ang mga naitulong niyo sa akin," Nginitian ko siya.

My Son's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon