MSF 6

14.8K 263 2
                                    

"Liz! gumising ka na diyan at malalate na ako dahil sa'yo!!" Sigaw ni kuya sa labas ng kwarto ko. Gusto pa ata sirain ang pintuan dahil ang lakas ng katok.

"5 minutes, kuya! Inaantok pa ako," bumalik ulit ako sa pagkakatulog.

Nanahimik naman agad ito kaya natuwa ako.

"KUYA!" Nagulat ako nang may alarm na tinutok sa tenga ko. Ang lakas pa naman dahil kulang nalang ipasok sa tenga ko ang alarm.

Hinampas-hampas ko ito dahil sa gigil.

"Maligo na kasi," ani nito at tinapat pa rin ang alarm sa tenga ko.

"Oo na! Oo na! ito na, nakatayo na ako."

Pumasok nalang ako agad sa banyo kasi baka mamaya ay tapunan na ako ng tubig niyan. Iba rin kasi mag-isip kapatid ko.

"Ito na tapos na! Ano breakfast?" Sinamaan ko ng tingin si kuya na masayang kumakain sa hapagkainan.

"Pancakes," ani ni yaya at binigyan ako juice.

Nawala bigla ang galit ko sa kapatid dahil nakita ko ang pancakes.

"Ang aga-aga naman kasi! Hindi naman ganito set up," binalingan ko si kuya habang kinukuha ko ang pancakes ko.

"Tama ka! Trip lang kita gisingin," tumatawa ito habang ngumunguya.

"Joke lang naman! 'di ba malapit na ang break?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Ang aking inaasam-asam na break ay mangyayari na. Next next week ay wala na kaming pasok! Pero isang linggo rin lang naman ang pahinga namin at magkakaroon ulit ng pasukan.

"Oh? anong connect?" bored na tanong ko sa kanya.

"Edi magbabakasyon tayo. Ginising lang kita ngayon kasi ganito oras ng alis natin..." napangiti naman ako sa sinabi niya. Yes! The vacation that I deserve!

"At pwede mo rin palang isama mga kaibigan mo," ani nito na nagpalaki bigla ang mga mata ko at patakbong lumapit sa kanya.

"Totoo? Totoo?" masaya naman siyang tumango.

Ngayon ko lang napansin na nandito ang kaibigan ng kapatid ko. Hindi ko man lang napansin 'yon dahil inis na inis akong pumasok dito.

"Bakit nandito 'yan?" tanong ko at tinuro pa si Kuya Edward.

Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Edward, "Grabe ka na talaga sa akin!" hindi ko siya pinansin at kumain nalang muli.

"Anong oras aalis?" tanong ko sa kanila.

"6 pa," sagot ni Kuya at tumayo.

Okay, isang oras nanaman akong mabonored sa kwarto ko.

"Oh, bakit ka nanaman nakabusangot?" tanong sa'kin ni sally nang makapasok ito sa room.

"Nakakainis kasi! Ginising ako ni kuya ng maaga.." tumingin ito sa akin na parang 'ano ang katuloy niyang sasabibin mo?' look

"At lagi na niyang tinatarayan si Kuya Edward simula pa kahapon sa tuwing pinapansin siya nito," pagtuloy naman ni Summer sa sinabi ko.

"Kasi naman!" nagpapadyak ako habang nakaupo.

"Itigil! Baka mamaya akalain nila hindi ka namin binibigyan ng candy," maloko na sinabi ni Chloe sa akin na nasa likod ko nakaupo.

"Eh, gusto ko siya kausapin ng matino!" ani ko. Parang tropa na nga rin ang gusto kong ibigay na treatment kaso iba ang nagiging asal ko kapag nasa harap ko na siya.

Nagkatinginan sila biglang apat at sabay-sabay na tumawa, "Gaga ka! Ikaw naman din pala ang nagdesisyon, 'di ba?" tinaasan ako ng kilay ni Chloe.

"Ehhh!" inirapan nila ako.

My Son's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon