MSF 4

16.5K 284 10
                                    

"Bakit pala kayo nagkabalikan ni Celine?" tinapunan niya ako ng tingin.

"Ka-"

Kinurot ko ng marahan ang kamay ko nang makita ko si kuya na pumasok sa loob ng bahay at tinatawag ang pangalan ko. Kuya naman! Ang pangit talaga ng timing niya!

"Bakit ka nandito?" tinapik niya si Edward.

Tinignan lamang siya nito at tumayo na, "Alis na ako."

Kuya sa dinamidami ng timing mo, ngayon ka pa lumabas? Kailangan ko ng sagot niya para makamove on na ako sa kanya. Kaso sa ginawa ni Kuya ay nalipat ata ang inis ko sa dalawa dito sa kapatid ko.

Sinamaan ko lalo ng tingin si Kuya nang makalabas na ng payapa si Edward.

"Epal ka kuya," ani ko at umakyat na sa taas matapos kong ilagay ang pinggan na ginamit ko sa lababo.

Narinig ko pa sa baba ang tanong ng kuya ko. "Ako pa epal?" tanong nito sa sarili. Iling-iling akong umakyat.

Binuksan ko naman agad ang cellphone ko. Nakita kong nag message ang tatlong gaga sa gc. As usual hindi active si summer, busy din ata.

'clairebear: 'hoy, @AdelineFelize, punta kami dyan sa bahay mo at huwag ka na umangal papayag naman din sila tita. <3.'

chloe_: 'wow, desisyon ka naman masyado @'clairebear, hindi pa naman nag-oo 'yung iba dito.'

'clairebear: 'pasimple pa kayo, gusto niyo rin naman. ipaghain mo ang magandang guest mo bukas @AdelineFelize.'

Natawa naman ako bigla sa sinabi ni sally sa gc.

sallyyy: 'huwag mong papuntahin 'yang si @clairebear sa bahay niyo. Wala na 'yang pagkain sa bahay niya kaya nanggugulo.'

'clairebear: 'pinagtutulungan niyo talaga ako!'

Sigurado akong walang magawa si trixie kaya naisipan na manggulo sa gc.

AdelineFelize: 'sige pumunta kayo, dalhan niyo ako Cheese Ice Cream, please T_T.'

summer: 'sure.'

Natuwa naman ako nang makita ang chat ni summer. Nagpaalam na rin ako kaagad na matutulog na ako kasi baka mamaya ay lumabas ang anak kong may eyebags na.

Tinotoo naman nila ang paalam nila sa akin kagabi dahil nakatayo ngayon sila sa harapan ko at pinapakita ang Cheese Ice Cream sa akin. Sino ba naman ako para tanggihan ang grasya?

Masaya ko itong tinanggap.

"Ano pa gusto mo?"

Tinignan ko si summer na tinanong ako, "wala na, okay na 'to sa akin. Thank you." sagot ko naman dito.

"Liz? hindi ka pa ba bumibili ng gamit para sa anak mo? Baka mamaya ay wala ka ng oras para bilhin mga pangangailangan niyong dalawa."

Napaisip ako sa sinabi ni sally. Oo nga naman. Mawawalan na ako ng time bumili kapag nanganak na ako at kung papatagalin ko pa ay baka wala na akong mabili.

"Hindi pa ako nakakabili, magpapasama nalang ako kay kuya mamaya."

"Tayo nalang!" sabi ni Trixie. Kitang-kita sa mga mata nito ang excitement dahil ay makakagala kami ng kumpleto.

Inalalayan naman nila ako sa hagdan para mapabilis daw ang alis namin. Kaya eto sila, tulong-tulong na inaakyat ako. Para akong isang refrigerator na binubuhat pataas.

Lalabas na sana kami kaso sinalubong kami ng kapatid ko. Nandito na naman 'to?

"Bakit niyo kinikidnap kapatid ko?"

Kinakabahan na tumawa mga kaibigan ko. Kamot-kamot pa ang ulo nila dahil hindi alam ang isasagot sa tanong ng kapatid ko.

"may bibilhin lang kami, kuya," ani ko nang maramdaman na walang sasagot sa tanong ng kapatid ko.

My Son's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon