MSF 3

17.8K 351 7
                                    

Tinaas ko ang dalawang kamay ko para mag-inat. Grabe! ang sarap ng tulog ko lalo na at nagawa at nakain ako kahapon ng mga bagay na inaasam-asam ko ngayong pagbubuntis ko.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko ang katulong namin na kakatukin palang sana ang pinto. "Pinapatawag na po kayo ni Sir." wika nito at ipinagpatuloy ang paglilinis dito sa taas.

"Good Morning!" sigaw ko bilang pagbati sa kanila. Lumingon naman ang mga tao sa dining room.

"Mukhang maganda ata ang mood mo ngayon?" tanong sa akin ni mommy.

"Syempre, mommy! Nakita ko kasi agad sarili ko sa salamin, sino ba naman ako para tanggihan titigan ang napakaganda kong mukha," hinawakan ko pa ang aking mukha.

Umubo ang kuya ko.

"makapal 'ahem' mukha," tinakpan pa nito ang bibig para kunyareng umuubo talaga siya. A+ for effort.

"Wow?"

Hindi makapaniwala na tumingin ako sa kanya.

"Tama na 'yan, kumain ka muna," natatawang wika ni daddy habang tinitignan kaming magkapatid.

Kaya tumabi na ako kay hazel na tahimik na nag-aaral habang kumakain.

"Daddy?" tawag ko dito. Lumingon naman agad ito sa akin.

"Bakit nagmana sa inyo ni mommy si hazel? ang sipag!"

Nilingon ako saglit ng kapatid ko at maya-maya ay ibinaling ulit ang atensyon sa librong binabasa.

"Bakit si kuya hindi namana 'yon?" tanong ko.

Babatuhan sana ako ni kuya ng kutsara kaso pinanlakihan siya ng mata ni mommy.

"Nag-salita naman 'yung tinutulugan lagi ang Math. Sino kaya sa ating dalawa ang kakabuklat lang ng libro tapos tinulugan ito kaagad? Basta ako alam kong nagsisimula sa X 'yong first name nun."

Inirapan ko siya. Halatang-halata naman na ako, hindi man lang pinaligoy-ligoy. Literal na Xiera ang lumalabas na resulta.

"Mamaya na kayo mag-asaran, tapusin niyo na muna ang mga kinakain niyo bago ulit kayo maglambingan na magkapatid," pinaningkitan ko ng mata si kuya nang marinig ko ang 'lambingan' na sinabi ni daddy.

Willing lang ako na sapakin siya pero no to lambing po ako lalo na kay kuya!

"Daddy naman! anong lambing?" reklamo sa kanya ni kuya.

"Ikaw pa nagrereklamo! pasalamat ka nga ako pa nang-aasar sa'yo eh. Kung iba 'yan pasalamat pa sila na inaasar sila ng isang dyosa na katulad ko," taas noo ko itong sinasabi sa harap ng hapagkainan.

"aba-" pinutol ko agad ang nais na sasabihin ni kuya.

"kuya, kumakain tayo. Respeto naman!" ngiting wika ko sa kanya.

Buntis ako pero hindi lang ako basta-basta. Akin pa rin talaga ang huling halakhak.

Matapos kumain ng agahan ay para akong turista sa loob ng aming bahay dahil palakad-lakad ako. Nagningning bigla ang mga mata ko nang makita ang mga album na nakalagay ibaba ng TV namin doon sa may cabinet. Ang dami!

Saan kaya sa akin dito? Binubuklat ko ang bawat isa ngunit wala pa ring lumalabas na cute na bata doon sa photo album.

Nakita ko 'yung photo album na sana ay hindi ko na lang binuklat. Ito... Ito ang photo album namin ni edward. dati.

Nanginginig man ang kamay ay binuklat ko pa rin ito. Maayos pa rin ba ang mga laman nito?

Tinignan ko isa-isa ang mga larawan. Napangiti ako nang makita ang litrato namin noon, first date namin sa amusement park dahil doon ang gusto ko. 3 years ago pa 'to! Ang ganda ko talaga.

My Son's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon