24 💚 Me Time

4.3K 193 19
                                    

AN - Pasensya na at patawad kung ngayon lang ako nakapag update. Sisikapin ko pong makapag update ng mas madalas. And I, thank you!

Me: Usapan mag shopping diba? Anong ginagawa mo diyan?!

Belle: Eh si Mom eh.

Me: Okay sige sa susunod nalang. Send my regards to Tita.

Then I hang up.

Hay, kalokang babae to. Usapan namin, mag papa-parlor kami, mamimili ng bagong damit, bagong bag, bagong buhay ganern. Charot.

Hindi pa kami nagkikita ni Nathan simula nung tinawagan ko siya.

Pero panay ang pangungulit sa akin. Kung makulit na siya, mas makulit pa siya ngayon.

Ang kinukulit niya sa akin, ulitin ko yung sinabi ko sa kanya noong gabi.

Ulitin kong sabihin ko sa kanya na mahal ko siya.

Ano bingi lang? Narinig naman niya eh. Papaulit pa sa akin.

Anyway, hindi pa nagpapakita sakin yun. Asan na ba yun? Ay hinahanap hanap ko?

Bigla kong naisip na kailangan pala maganda ako sa susunod na magkita kami. Oo nga no, kailangan ko na pumunta ng derma clinic tapos tuloy mag shopping nalang ako mag isa. Yey! Me time and me day is real!

Nagbihis na ako at sinabihan sila Kuya Dan at Bruno na aalis ako. Andun na din kase ang derma clinic sa mall na pupuntahan ko.

Nang nakaayos na ako ay tumawag lang ako kay Mommy at pumayag naman ito na umalis ako.

Masaya akong bumaba ng hagdan. Makakapag relax din alone. I can have mani and pedi, then new hair color or even haircut na din. Kinilig ako sa mga naisip ko.

Pero agad din namang binawi ang kaligayan sa akin ng buksan ko ang main door ng mansion, bumungad sa akin ang lalaking makulit. Nakakunot pa ang noo sa akin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"What are you doing here?" Inunahan ko na siya ng tanong pero hindi nagbago ang reaksyon sa kanyang mukha.

"Where are you going?" Tanong din naman ang sinagot niya sa akin.

"Papa derma tapos mag shopping. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Sagot ko sa kanya at napahalukipkip ako.

"Susunduin ka. Mag mall tayo." Walang emosyon niyang sabi sa akin.

"No, I will go alone. This is my 'me time' okay? Bawal kang sumama." Reklamo ko sa kanya pero agad niya akong hinawakan sa braso at hinila.

"Hoy sandali, hindi pa ako pumapayag!" Angal ko.

Pero hindi na niya ako pinakinggan at tuluyang isinakay sa sasakyan niya. Kinausap niya naman muna si Kuya Bruno at Kuya Dan m bago sumakay din ng sasakyan.

Malamang ay sinabing huwag na silang sumama.

Pag sakay niya ng sasakyan niyang mahal na mahal niya ay diretso ikot nito sa rotonda at labas sa malaking gate ng mansion.

Hindi siya nag sasalita kaya nagpaka busy nalang ako sa pag tingin sa aming dinadaanan.

"Magpapaderma ako ahh. Kaya sa..."

"I know where we are going." He said without looking at me. Aba't napaka sungit naman.

"Problema mo?" Angil ko naman dito. Ayoko kase ng ganyan eh.

"Ikaw."

"Oh ano nanaman?"

"Aalis ka ng hindi ka nag papaalam?" Saglit niya akong tiningnan at lumingon muli sa kalsadang tinatahak namin.

Your Love (transgenderXstraight)Where stories live. Discover now