Nathan's Special Chapter (and surprise announcement)

6.3K 194 36
                                    

"Oy baklang panget!" I was in the middle of my siesta ng may marinig akong sumigaw.

Hindi ordinaryo ang siesta ko, dahil ngayon ay sa itaas ng puno ko natripan.

Unang linggo, ng unang taon ko sa highschool. Bagong eskwelahan kaya't nangangapa pa ako at wala pa rin akong kaibigan.

"Oy lalaking panget na bakulaw, madumi ang balat, madilaw ang ngipin, pango ang ilong at malaki ang mata. May problema ka sakin?" Then someone shouted back, kaya't napatingin na ako sa ibaba.

"Ikaw bakla ka, ang lakas mo manglait ah." Sigaw ng lalaki dun sa inaaway niya.

Bakla ba yun?

"Hoy, alam kong bakla ako. Wag mo ng ipaalala dahil everyday ng buong buhay ko, alam ko yun. At isa pa, hoy ulit, hindi kita nilalait, I'm just describing you!"

Ay oo nga, umamin siyang bakla nga. Di ko nahalata yun ah. Ang tapang niya ahh, eh kung titingnan, bakulaw na bakulaw nga yung nang aaway sa kanya.

"Mam, inaaway ako ng baklaaa." Sabay takbo nung lalaki palayo.

Natatawa ako ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Ang saya kaya nila panuorin.

"Tumingin ka muna sa salamin, bago mo ako asarin. Panget mo!" Pahabol pang sigaw nung batang bakla dahilan para hindi ko na mapigilang matawa ng malakas.

Nabigla yung bakla na sa tingin ko ay ka edad ko lang din. Hala parang natakot pa siya at lumingap lingap sa paligid.

Pero hindi ko talaga mapigilan ang tumawa sa nasaksihan kong eksena eh.

Pinilit ko nalang na huminto na sa pag tawa dahil baka nga mautot na ako sa sobrang tuwa ko.

Bigla nalang akong tumalon mula sa puno pababa. Ngunit nakatalikod sa akin ang bata kaya't hindi joya agad ako nakita.

"Waaaaaaah!" She shouted on top of her lungs.

"Waaaaahh... waaaahh... shit!" Sigaw siya ng sigaw sa pagkagulat.

Humarap naman siya sa akin bigla at tiningnan ako. Everything was in slow motion. There is something in that gay's face. Ang gara.

"San ka nanggaling?" Habol hininga niyang tanong sa akin.

Natatawa pa rin ako ng maalala ang nangyari, kaya't tumuro nalang ako paitaas, bilang tugon sa kanyang tanong.

I can see in her face na naguguluhan siya.

Unti unti siyang lumapit sa akin, at ako naman ay napako sa aking kinatatayuan.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi sabay pisil dito.

"Ay totoo pala, akala ko multo." Bulong pa niya.

"Hey, stop that." Agad kong tinanggal ang kamay niya sa mukha ko. Ang sakit kaya ng pisil niya.

Pero... natigilan ako. That's strange. Tila may kuryente ng hinawakan niya ako. Pinag kibit balikat ko nalang iyon.

"Sinusigurado ko lang kung multo ka or hindi." Pagpapaliwanag naman niya sa akin.

"Hindi ako multo okay?" Inis kong sagot sa kanya at bumulong ng "Etong gwapong to, multo? Tsk."

"Ay teka teka." Lumapit siya sa bench na malapit sa kanya at kumapit dito. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Ang lakas ng hangin, tatangayin ako eh." Sarkastiko niyang sabi sa akin.

I was just looking at her. Still processing everything on my mind.

Your Love (transgenderXstraight)Where stories live. Discover now