¦ Mag-isip Ka Kaibigan ¦

137 8 12
                                    

"Aral muna bago love life"

Hindi ba't iyan ang palaging sinasabi ng ating mga magulang sa tuwing mabibigyan kayong pamilya ng pagkakataong makapag-usap-usap sa kabila ng busy ninyong mga routine?

At ano ang iyong palaging sagot sa kanila?

"OPO"

Talaga ba?

Opo. Opo ang palagi mong sagot hindi ba? Dahil sa kagustuhan mong hindi na iyon mapag-usapan pa at baka ika'y mabuko ng iyong mga magulang na may kasintahan ka na pala.

Paano mo ito nagagawa? Seryosong kaya mo itong tiisin?

Nagagawa mong magsinungaling sa mismong mga magulang mo?

Kung tatanungin kita?

Sino ang mas mahalaga, ang mga magulang mo o iyang kasintahan mo?

Hindi ba't ang iyong mga magulang?

Ito na nga ang punto ko! Kung mas mahalaga ang iyong mga magulang kaysa sa iyong kasintahan, paano ka nakapagsisinungaling sa kanila?.

Hindi bat mas mahalaga ang magulang kaysa sa iyong kasintahan? Pero sa mga magulang mo ikaw na ay nagsinungaling. . .

Paano nalang iyang relasyon mo/niyo?

Puro nalang kasinungalingan?

At kapag ikaw ay nasaktan dahil sa mali mong desisyon. Desisyon na pumasok sa isang relasyon na puno ng kasinungalingan, ay iyong idadamay ang lahat?

Para sa iyo, lahat na ay manloloko?

Lahat manhid?

Lahat walang puso?

Lahat walang kwenta?

Subukan mo kayang tanungin ang sarili mo.

Tangungin mo kung sino ang may kasalanan ng pasakit na daladala mo ngayon?

Mag-isip ka kaibigan. Paki-usap.

Hindi naman sa kinukutya kita.

Nais ko lamang na magising ka!
Magising sa katotohanang masyado pang maaga para pumasok ka sa isang relasyon. Relasyong puro pasakit nalang.

Gumising ka aking kaibigan.

Libro ng KatotohananDonde viven las historias. Descúbrelo ahora