¦ Desperada ¦

16 1 0
                                    

Kumusta ka na? Ako, ayos lang. Busy ka ata eh, bakit hindi ko na ako nichachat? Miss ko na kaya mga jokes mo. Yung kahit ang corny na eh, nagtatyaga pa rin akong magtype ng "HAHA" kasi alam mo, minsan ka lang mag-joke eh, ganoon ka kahalaga. Bawat reply mong talaga namang napaka-ikli, pinapahalagahan ko lahat iyan. Ano kayang ginagawa mo ngayon? Kahapon pala, nag-react sa isang post mo yung ex mo, okay na ata kayo. Kagabi rin, nakita ko story niya sa IG, chat box, alam kong sa inyo yun, may nickname pa ngang Babe  eh, diba tawagan niyo yun? Pero okay lang. Okay lang ako. Hindi naman ako umiiyak habang pinipindot itong cellphone ko eh, hindi naman ako nasasaktan sa mga nakikita ko. Oo, okay lang.

Alam mo, naiinis na nga rin ako sa sarili ko eh. Bakit ba napakakulit ko? Ang desperada ko na. Naghahabol ako ng taong ayaw magpahabol. Naghahanap ako ng atensiyon mula sayo habang ikaw naman itong tuktok na tutok sa iba.

Ah, oo. Naalala ko na. One sided love nga lang pala. Sa ating dalawa, ako lang ang nagmamahal. Bakit ba ako nagseselos kung sa una palang, wala na akong karapatan? Wala naman akong karapatan hindi ba? Hindi kita pwedeng ipagdamot dahil hindi kita pagmamay-ari.

Alam mo, pagod na ako. Pagod na akong umasang mahahalin mo rin ako. Tama na nga rin siguro. Oo nga, tama na. Paalam.

Libro ng KatotohananWhere stories live. Discover now