¦ Ulap ka langit ako ¦

21 1 0
                                    

Tayong dalawa ay kailanman hindi magtatagpo
Yung tipong ang lapit lapit mo
Ngunit hindi ko kayang lumapit diyan sa tabi mo
Ewan ko ba kung bakit pa tayo pinagtagpo.

Ulap ka, langit ako
Diyan tayo inilalarawan ng mga tao
Kung sabagay masasabi mo ngang totoo,
Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa kung para ito sa iyo.

Ulap ka, langit ako.
Kay sarap pagmasdan ngunit hindi ang lasa nito.
Madalas mapagkamalang iisa
Pero tayo mismo ay hindi mag-iisa.

Ulap ka, langit ako
Ako itong lumalaban at nananatili para sa iyo.
Ngunit ano ang ginawa mo,
Nagpatangay ka sa hangin at iniwan ako.

Libro ng KatotohananWhere stories live. Discover now