¦ Sayaw ¦

125 9 3
                                    

Nakatitig
Sa iyong mga matang marahang nakapikit
Pilit na iniintindi ang tinig ng kantang kanina pa paulit-ulit

Hindi alam
Na kahit anong gawin sa sarili ay sobrang nahihibang
Naiilang
Na naisip na baka manghinayang
Kaya't nagsimula nang magbilang

ISA
-sali kita sa bawat isang nota ng kanta na dala ng aking

DALAWANG paang ihahatid ka papunta sa gitna

TATLO
Ang kasunod ng pangalawa ay ang tatlong salita na nagpapaalalang "'Wag kang matakot" dahil nandito ako't gagabay lang sa iyo

APAT na dipa ang layo ko sa iyo ngunit isinara iyon ng iyong LIMANG daliring pilit na inaabot ako

Tayo'y nagsimulang gumalaw,
Sumayaw
Sa paligid na puno ng mga nagkikislapang ilaw

Sa PANG-ANIM ay ang pag-aming nahihirapan ang mga hiling
Mga hiling na pilit nating kinikimkim

Biglang napukaw ang ating mga kamay kasabay ng biglaang pagkabitaw

Hinabol ko ang kamay mo nang magsimula nang gumulo
Kumulo at gumuho ang aking mundo

PITO
Ang ika-pito ay ang kakaibang pag-ikot ng mundong hindi mo maipunto
Ngunit hindi hindi pa rin nagpatalo't naresolba ng

WALO
Ang numerong naging swerte ko sa iyo
Inayos, umayos, naayos at nagka-ayos
Ngunit alam kong hindi pa dito nagtatapos

Tuluyan nang gumaan ang pakiramdam sa pagkabilang ko ng

SIYAM
Ako'y humarap sa iyo't itinuro ang aking puso

Dito
Alam kong dito ka mananatili buong buhay ko

Habang hinihintay ang isasagot mo'y isang matamis na ngiti ang natanggap ko mula sa labi mo
Hindi man perpekto ang ating pagkatao'y mananatili pa ring nakatakda ang ating mga puso

Kahit mapuno ako ng pagmamahal mo
Kahit na tayong dalawa ay magkagulo
Ipinapangako kong habangbuhay ay ikaw lang ang mamahalin ko

Sa pagsayaw ay sabay tayong napahinto
Nakaramdam ako ng sabik na halikan ang iyong noo na siya namang ginawa ko

Masaya ako
Masayang-masaya ako dahil narating nating dalawa ang pinakadulo
Ako'y niyakap mo't hinaplos ko naman ang buhok mo

Ito
Alam kong ito ma nga ang tinatawag nilang SAMPU

Libro ng KatotohananWhere stories live. Discover now