Interview

737 37 3
                                    

Back to normal nanaman ang lahat. Balik na sa normal routine ang RaStro. Si Glaiza tuloy-tuloy ang advertising at pag-guest sa mga talk shows kaya di maiwasang i-link sa kanya si Rhian gawa pa rin nung sa concert niya at dahil daw sa ingay ng fans nila. Mamaya ipapalabas sa Tonight with Boy Abunda yung episode na interview sa kanya. Ngayon mas maraming nag-iinvite sa kanya na maggig at syempre hindi niya napapabayaan ang negosyo ng daddy niya. Ang bar nila. Yun nga lang three times a week na lang siya nakakapagbantay at tuwing umaga hindi niya nakakalimutan ang workout routine. Lagi siyang pumupunta sa South (muntinlupa) dun kasi talaga siya naggym tsaka saktong malapit din yun sa bahay nila Rhian kaso di naman niya matyempuhan na nandun ang girlfriend niya kaya laging si Mommy Clara o si Nadine ang umaabot ng pasalubong. Madalas din siyang mag-almusal doon sa pagpupumilit na rin ng mom ni Rhian. Nagk-kwentuhan din sila, at doon niya lang nalalaman ang balita kay Rhian.

Lagi din siyang pumupunta dun sa malapit na starbucks baka sakaling pumunta dun si Rhian pero wala. Tatlong linggong walang paramdam, walang calls at texts. Sa bahay rin nila lagi daw umaalis, at may mga araw na hindi umuuwi ng bahay.

Di ko alam kung ano na bang lagay niya ngayon, kung kumakain ba siya sa tamang oras, at kung okay lang ba siya. Lahat na ata ng santo nadasalan ko na para hilingin ang kaligtasan niya. Yung huling post niya ay yung pagpromote siya sa phoenix na pinalabas din sa commercials.

"Jusko naman, love. Kahit isang text lang na okay ka.... okay na ko."

"Pinupuntahan kita sa inyo tuwing umaga, yun lang kasi yung free time ko pero wala ka. Sinubukan ko ring hintayin ka nung nakaraang mga gabi, inaabangan kong sana nga matyempuhan kita pero wala ka naman. Isang gabi rin nahagip ako ng motor pero okay na ko ngayon."

"Love...kung galit ka sakin sabihin mo lang ha.... ayaw ko ng ganitong iniiwasan mo ko. Kung may problema ka sabi ko naman sayo nandito lang ako... lagi lang akong nandito para sayo. Miss na miss na kita, Love."

"Love tawag ka naman oh."

Ilan lang sa mga texts ni Glaiza kay Rhian.

At ngayong gabi nagtext ulit siya.

"Love, gusto kong sabihin na may gig ako ngayon sa 12 Monkeys, baka gusto mong pumunta? :) I miss you."

Gig niya ngayon sa south, malapit lang kila Rhian kaya umaasa siyang magkikita sila ngayon. Pinagpaalam na rin niya ito kay Mommy C at sinabi naman na sasabihin na lang daw niya kay Rhian.

Nasa makati na pala ang main branch ng bar nila. Ang District 8. Hindi na rin kasi siya sa Alabang nagstay kasi naibenta na yung apartment niya dun. Eh kung sa Valenzuela naman siya uuwi sobrang layo ng oras ng byahe niya. No choice tuloy siya kundi sa isang condo sa Makati manuluyan. Hindi rin niya kasi gustong tumira sa dad niya knowing hindi sila okay. Madalas bumisita doon si Alex sa condo niya.... kumakain at nagk-kwentuhan. Nangangamusta din. Si Glaiza naman hindi nakakalimutang ipaalala sa kapatid niya na mag-aral ng mabuti lalo't gusto niyang maging Jewelry designer at the same time maging host. Nagpapaturo din sya ng assignments sa Ate niya. At kung minsan umiinom sila ng low alcoholic drinks. Pamparelax lang. Minsan Koreanovela marathon.

Katwiran naman ni Glai na, "Kung matututo ka rin lang mag-inom. Pwes, yung kasama mo na lang ako. Kesa iba pa magturo sayo at mapaano ka. Tandaan mo na.... ang alak sa tyan nilalagay hindi sa utak. Dapat disiplinado ka."

Mabuti na lang talaga kasama niya si Alex, nalilibang siya nito at napapatawa kaya nalilimutan niya ang pagod at problema. Pati na ang pagkamiss niya sa girlfriend niya, kay Rhian.

Si Mama Cristy nakauwi na rin nung isang linggo pa. Pero dalawang beses pa lang nakabisita si Glaiza sa kanya. Kaya ngayon plano ni mama C na makitira sa condo ni G para naman magbonding ulit sila ngayon pang miss na miss niya ang anak niya. Kung magkataon, magtatagpo si Alex at si Mama C. Si Alchris naman patuloy sa pagtuturo ng Calculus sa FEU diliman at doon na rin umuupa ng apartment.

You Made Me Feel SafeKde žijí příběhy. Začni objevovat