END

745 37 5
                                    

Bumuhos ng pagbati sa iba't-ibang social media accounts ni Glaiza.... mahigit isang linggo din siyang hindi nakapagbukas sa lahat ng account niya.

Walang kahit anong balitang lumabas tungkol sa nangyaring insidente sa kanila ni Rhian. Alam ni Glaiza kung bakit, dahil hinarang 'yon ng daddy niya.

Mas mabuti na rin sigurong walang makaalam para walang kahit anong  malaman ang kung sino mang may pakana ng lahat ng 'to.

Sa patuloy niyang scroll, meron siyang nakitang posts ng rebels, kakapost lang nila at ayon nga sa kanila:

"Nasan na ang RaStro?"

"Miss na miss ko na ang mommies natin. Huhu."

"I heard may nakakita daw kay Glaiza naka brace ang right arm, nasa isang hospital sa Antipolo according to my source."

"Weeeh!? Anyare na kay G!!?"

"Actually, nakita ko din family ni Rhian sa exact hospital kung nasan si G. naka-confine din kasi Tito ko dito. Pero never ko silang nakita dito kahit si Rhian... wala."

"WHAAAAT!?"

"Kung ganon, may nangyaring hindi maganda. Knowing na may nakakita na nandun yung family ni Rhian at si Glaiza mismo."

"OH MY GOSH!!"

"Girl check mo kung nakalist ang names nila sa naka confine na patients ng hospital."

"Sigi, sigi... balitaan ko kayo. Nakakahiya din kasi pero sana maintindihan nila nag-aalala lang naman tayo."

"Biliiiiiis!"

"HALA JUSKO!! NAPANO NA BA SILA!?"

"Usap-usapan daw may nangyaring hindi maganda sa dalawa. Magkasama ata sila nung mangyari yung insidente."

"Hala kamusta na kaya sila? Malubha kaya lagay nila!? Omg."

"Ba't hindi to nababalita? Wala man lang ni-isang nag air about sa insidente."

"Ano bang nangyari? May alam pa ba kayo?"

"Hala jusko naman. Sana hindi malubha lagay nila."

"Guys. Confirmed! :( nandito ang mommies natin :'("

"Jusko. Kamusta na kaya ang lagay ng RaStro."

"Pwede ba tayong bumisita?"

"Nag-aalala na ko sa kanila."

"Nako. Bawal daw sis, sobrang higpit daw. Pinilit ko lang talaga si ateng nurse kanina na magsabi ng totoo."

"Pwede kaya pabigay na lang natin mga letters or something to cheer them up."

Kahit ano pang gawing pagharang ni Boy, wala pa ring makapigil sa kapangyarihan ng social media.

Gamit ang dummy account ni Glaiza nakisali din siya sa kanila.

"Rebels dapat dun sa private group page natin 'to pinag-uusapan. Look, sa tingin niyo bakit hindi nababalita yung dalawa? Baka may threat na silang natatanggap diba?" -G

"Ay oo nga no..."

"Guys, burahin niyo na 'to."

Nagstalk pa si Glaiza sa secret fan page nila. Nagulat siya sa mga nakita. Meron silang pictures and videos simula nung concert up to now including yung nasa Germany sila na nakuha sa IG from Bianca and Gareth's posts. And ang dami ring tsismisang nagaganap tungkol sa kanila kasama na yung mga sagot nila sa interviews. May mga intense moments din na nandoon, yung magkahawak kamay sila, yung forehead to forehead, yung almost kiss, at yung paghawak ni Glaiza sa bewang ni Rhian.

You Made Me Feel SafeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant