Rhian

756 28 9
                                    

"Bakit nawala agad yung dalawa?" Chynna.

"Sayang naman. May games at sayawan pa tayo eh. Tapos special event para sa pagdalo nila. Knowing na busy sila talaga namang sinikap nilang makapunta dito." Mary Rose.

"May problema ata." Sheena.

"Si Rhian hindi man lang nagpaalam na umalis kanina. Akala ko babalik din siya agad kaya di na ko nagtanong kung san pupunta pero walang bumalik na Rhian." Airiz.

"Si Glaiza sobrang nag-aalala kanina, hinahanap siya." Chynna.

Nakikinig lang si Cheene sa usapan nila...... nakangiti. Paulit-ulit pa ring iniisip yung paghalik niya kay Glaiza, natutuwang nilalaro pa yung labi niya.

Malakas pa rin pala ang karisma ko kay Glaiza. Hindi pa rin siya nagbabago. (Cheene)

"Cheene. May alam ka ba?" Tanong sa kanya ni Lee.

"Ha?.. ah-eh wala. Di ko nga alam na umalis na sila eh." Patay-malisyang sagot niya.

"Diba galing ka rin sa cr kung san lumabas si Glaiza? Anong nangyari?" Lee.

"Hindi ko nga alam."

"Sigurado ka?" Chynna.

"Oo nga! Duh!?" May pag-irap pa si lukaret. Inis na inis sa kanya ang magkakaibigan gusto na nilang dukutin yung mata at sugatan yung katawan nito eh pero nagtimtimpi lang sila. Napagtanto nilang hindi pa rin nagbabago ang gaga. Ni hindi nga nag-aalala kay Glaiza.

"Sa ganyang pagmumukha wala akong tiwala." Bulong ni Chynna.

"Tawagan niyo na nga si Glaiza. Sigurado ako nababaliw na yun ngayon." Sheena.

*******

Flashback

"Okay ka lang, Cha?"

"Yup. As usual. Lagi namang ganito." Nakayukong sagot niya. At ininom ang huling likido ng alak sa boteng hawak niya.

"Bakit kasi babae pa, Cha? Magpakababae ka kaya. Dami namang lalaking nanliligaw sayo." Lee.

"Tumigil ka nga, Lee. Sa tingin mo ba makakatulong yang pinagsasabi mo?" Mary Rose.

"Sorry, opinion ko lang." Lee.

"Tsaka wala naman akong nakikitang mali dun ah? Eh ano kung babae yung gusto ni Glaiza? Ang problema eh kung sinong babae." Sheena.

"Mali ka lang ng napili, Cha." Chynna. Nakikinig lang si Glaiza sa kanila.

"Mahihirapan kang maka-move on kung kasama mo siya sa iisang kwarto, halos ARAW-ARAW nang pitong oras pa. Kaya mo ba?" Lee.

"Kakayanin. Babae lang yan." Walang alinlangan niyang sagot.

"Yan! Ganyan!"

"Cheers!"

"Nga pala balita ko marami daw nilalandi yong Cheene na yun na lalaki dito pati na rin sa ibang schools. Tapos naririnig ko rin sinabi niyang isang sipol niya lang kay Glaiza, ibibigay na agad lahat ng gusto niya." Mary Rose.

"Aba'y gago pala yon! Bukas na bukas abangan natin!" Lee.

"Kapal ng mukha!!!!!!!! Tanginang yan dapat don pinapakuluan sa mainit na mantika! O kaya sirain yung mukha! Tignan natin kung may ipagmamalaki pa sya!! Kamukha nga ni Andrea Torres bulok naman ang ugali!" Chynna.

"Maghanda siya bukas! Wag niyang pinainit ang ulo ko! Abangan natin sa oras ng uwian!" Sheena.

"Kung maaga ko lang din nalaman baka hindi lang sampal at sabunot ang matitikman niyang Cheene na yan!" Mary Rose. Pati rin naman si Glaiza nagugulat sa nalalaman niya.

You Made Me Feel SafeWhere stories live. Discover now