Chapter 2: The Butler's Mission

145 17 1
                                    

Seymore's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa silid ni Zhanaia dala-dala ang pagkain niya. Ayaw niya kasing lumabas dahil nagtatampo pa rin siya sa ina niya.

Tsk. Ang arte naman.

Sa aking paglalakad ay bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba. Para bang may panganib akong nararamdaman?

'Di ko alam.

Nandito na ako ngayon sa harap ng pinto niya. Nagdadalawang-isip kung kakatok ba o hindi?

Huh.

Kumatok ako ng dalawang beses at tinawag siya.

"Mahal..." pagputol ko.

Hmm.

Mahal?

"Ah... Mahal na prinsesang Zhanaia, narito na po ang inyong pagkain."

Bakit 'di siya sumasagot?

Galit pa siguro siya.

Pero, alam ko kung galit o nagtatampo siya, sumisigaw siya habang itinataboy ako. Bakit kaya?

Bakit kaya hindi siya sumasagot?

Paano kaya kung gamitin ko ang kapangyarihan ko? Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko.

Sa sobra kong pagtataka ay ginamit ko na ang aking kakayahang mag-anyong tubig. Dumaan ako sa maliit na butas sa ilalim ng pinto at pumasok.

Mabilis din naman akong bumalik sa dati kong anyo.

Huh.

Tulog pala.

Nilapitan ko siya at gigisingin sana pero nagulat ako nang tinanggal ko ang nakatakip na kumot sa kanya ay puro unan pala ang nakalagay.

"Ano?! Nasaan na siya?!" sigaw ko.

Bigla naman akong napatingin sa bintana at nagmadaling lumabas sa kwartong iyon at mabilis na pumunta kay Reyna Oceana na kasalukuyang nasa Throne room.

Mabilis akong nakarating sa throne room at ibinalita kay Reyna Oceana ang nangyari.

"Reyna... Si Zhanaia..." pagputol ko.

Napatingin naman sa akin ang reyna na para bang nagtataka.

"...Nawawala po siya!" sigaw ko.

"Ano?!" pagkagulat niya.

"Wala po siya sa kanyang kwarto! Maaaring tumakas siya!"

"Bilis Seymore, ialerto ang lahat ng mga kawal at hanapin siya!" pag-uutos ng reyna.

"Masusunod po!" sabi ko at mabilis na umalis.

********************

Zhanaia's POV

Kasalukuyan ako ngayong lumalangoy sa gitna ng syudad na para bang hindi alam kung saan pupunta.

Bigla naman akong nakita ng isang kawal at isinigaw ang aking pangalan...

"Zhanaia! Mga kawal nandito ang mahal na prinsesa!" --

"Naku lagot!" 😬😬

Napalunok ako.

Patay! 😨😨

Bakit kasi dito pa ako dumaan sa syudad?!

Ano pa nga ba ang magagawa ko?

Langoy na! 😬😲

Mabilis akong lumangoy papunta sa mga iskinita ng mga gusali at nagpaliku-liko para matakasan ang mga humahabol sa aking mga kawal.

ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)Where stories live. Discover now