Special Chapter

101 11 1
                                    

Zhanaia's POV

Napagpasyahan ko nang maging isang ganap na councilmen ng T.S.M.A., sa katunayan nga ay nandito na ako ngayon sa kanilang Headquarters dito sa lupa... Ay mali, sa ilalim pala ng lupa, para sa opisyal kong pagpasok dito.

Habang ako ay naglalakad sa napakagandang futuristic-designed hallway na ito ay nasa magkabilang gilid ko naman sina Seymore, ang aking butler slash body guard, at si Coralia na ang bagong namumuno sa mga kawal ng kaharian.

Nagpaiwan sila sa labas at ako na nga ay pumasok.

Pagkapasok ko pa lang sa Meeting hall ay nakita ko agad ang isang mahabang mesa at ang limang upuan na nakapalibot dito. Bigla ko rin namang pinuntahan ang aking upuan.

"Maligayang pagdating dito sa The Secret Magic Association, mahal na prinsesa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Maligayang pagdating dito sa The Secret Magic Association, mahal na prinsesa..." sabi ni Mr. Thumpyr Drangerock na isang matandang lalaki na para bang cowboy, cowboy dahil may suot kasi siyang sumbrero na parating ginagamit ng mga ito. Siya ay may kulay silver na mga mata at mayroon siyang balbas at bigote. At nagkamayan kami.

 At nagkamayan kami

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Salamat po..." sabi ko at umupo.

"Ah... Pasensiya ka na pala dahil hindi makapupunta ngayon si Theodore, mayroon kasi siyang importanteng bagay na inasikaso..." sabi ni Mr. Gabriel Wingsword na nakaupo rin sa kanyang upuan. "Natutuwa ako na nakarating ka" dugtong niya.

Ngumiti ako sa kanya bilang ganti.

Bigla namang pumasok dito sa loob si Mr. Dalistro Angernaut, ang lalaking martian, na siyang isa sa mga councilmen dito. Parang tao naman siya pero, meron siyang kulay pulang balat. Nakasuot siya ng isang kulay itim na magarang tuxedo at isang kakaibang relo na kulay pula.

 Nakasuot siya ng isang kulay itim na magarang tuxedo at isang kakaibang relo na kulay pula

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Miss Watergreat, maligayang pagdating..." sabi niya at siya ay biglang umupo sa kanyang upuan. "Sige... Huwag na tayong magpalipas pa ng oras. Totoo bang nasa inyong kaharian nakakulong sina Captain Brooz at Karisha?" mabilis niyang tanong gamit ang isang seryosong mukha.

Tumingin ako sa kanya ng diretso at sinabing...

"Oo, tama ka. Nasa amin nga ang dalawang nilalang na binanggit mo. Maraming taon na rin ang nakalilipas, nung bumagsak ang Stone of Endless Energy sa pacific ocean at kasama pala ng batong ito sina Brooz at Karisha. Matagal na inilihim ni ina ang tungkol sa bagay na ito, kahit nga ako ay walang alam tungkol dito kung hindi ko binasa ang kanyang sulat na nakita ko sa kanyang mga gamit. Nung araw na 'yun ay natagpuan niyo ang bato at kami namang mga Aquasian ang nakakita sa kanilang dalawa. Huwag kang mag-alala Mr. Angernaut, nasa kailaliman sila ng palasyo at walang nakaaalam na nandoon sila maliban na lang sa aming dalawa ni Seymore" sabi ko.

"So ano ang plano mo ngayon Dalistro?" pagtatanong ni Mr. Thumpyr.

"Ang makita sila!" sabi ni Mr. Dalistro.

***************

Third person's POV

Mula naman sa kailaliman ng palasyo na kung saan may nag-iisang kulungang gawa sa makapal na makapal na bakal.

Maririnig ang paggalaw ng katawan ni Captain Brooz na para bang isa siyang higanteng ahas at ang paglabas ng kanyang dila.

Maririnig ang paggalaw ng katawan ni Captain Brooz na para bang isa siyang higanteng ahas at ang paglabas ng kanyang dila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Naiinip na ako Karisha, gusto ko nang makalabas sa kulungang ito... Hsss... Hsss..." sabi niya habang nakatingin sa kanyang kanang kamay na isang robotic metal arm.

"Maghintay lang tayo kapitan, kaunting oras na lang at maililigtas din tayo ni Aurrous dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Maghintay lang tayo kapitan, kaunting oras na lang at maililigtas din tayo ni Aurrous dito. Alam kong hindi niya tayo nakalimutan..." sabi ni Karisha habang nakasandal sa pader. "Kaunting oras na lang" dugtong niya at biglang ngumiti.

************

Ano kaya ang plano ng dalawa at ni Dalistro?

Abangan sa THE RED ARMOR 2!

********

ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)Where stories live. Discover now