Chapter 5: The Connection

106 10 1
                                    

Zhanaia's POV

Umaga na.

Hindi ko man lang namalayan na mabilis lumipas ang oras.

Pagkamulat ko pa lang ng aking mga mata ay sinalubong ako agad ng magandang ngiti ni Kiro.

Ngumiti siya at biglang hinubad ang suot niyang puting manipis na damit na basang-basa ng pawis niya.

"Hoo..." paghinga niya at bigla niyang inilapag sa harapan ko ang mga dala niyang prutas. "Oh... Ayan, kumain ka na at aalis na tayo" sabi niya at bigla niyang ipinunas ang damit niya sa kanyang katawan at mukha.

Napatingin naman ako sa kanya at biglang natulala.

Bakit parang natutulala yata ako sa kanyang basang basang katawan at sa matigas na parte ng kaniyang tiyan?! 😣😣

Kinagat ko ang isang prutas at ninguya-nguya ito ng dahan-dahan habang nakatingin sa kanya. 🤤🤤

Parang naglalaway na ako ah.

Teka lang?!

Bakit ba ako nagkakaganito?!

Bakit parang may kakaibang koneksyon akong nararamdaman?

'Yung para bang isang kakaibang tali na nakatali sa aming dalawa?

Parang gano'n.

Tss. 😑😑

"Hoy! Okay ka lang ba?" sabi niya.

"Ah... Oo naman" pagkagulat ko. 😅😨

"Tumayo ka na diyan at aalis na tayo" sabi niya habang itinutulak ang kanyang kakaibang sasakyan papunta sa dagat.

Nawala ang mga gulong nito at biglang lumutang sa ibabaw ng dagat.

"Mamaya ka na lang kumain kapag nakarating na tayo sa kabilang isla" sabi niya.

"Sige" sabi ko at tumayo papunta sa kanya.

Iniabot niya ang kanyang kamay at tinulungan akong makaakyat sa kanyang kulay itim na sasakyan. Nasa harap siya at nasa likuran naman ako.

"Oh ayan suotin mo" sabi niya at iniabot niya ang isang kakaibang kasuotan na kulay orange na napakagaan.

"Ano 'to?"

"Life vest? Para hindi ka na malunod ulit" sabi niya at ipinasuot sa akin ito. "Ayan... Kumapit ka ng mabuti ha?" sabi niya.

"Saan ako hahawak dito?"

"Pati ba naman 'yun itatanong mo pa? Akin na ang mga kamay mo, dito... 'yan... Dito ka humawak para hindi ka mahulog" sabi niya at inilagay niya ang aking mga kamay sa parteng matigas ng kanyang tiyan. 😣😣😨

Oh diyos ko!

Bakit ako kinikilig?! 😣😣

Paano ako hahawak kung nahuhulog na nga ako? 😣😣

"Handa ka na ba? Tayo na!" sigaw niya at bigla niyang pinaandar ang sasakyang ito.

At kami na nga ay umalis.

*******************

Seymore's POV

Nasaan ka na ba kasi Zhanaia?

Halos nilibot ko na ang buong Aquasia pero walang kahit isang bakas mula sa'yo.

Pero paano kaya kung...

Nasa lupa ka?

Malamang totoo nga nasa lupa ka na nga siguro!

Malaking problema ito kung gayon!

ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)Where stories live. Discover now