Chapter 3: The Revelation

128 12 2
                                    


Zhanaia's POV

Nagulat ako sa sinabi niyang si General Tide na siyang aking tiyuhin ang nag-utos na patayin ako?!

Pero bakit?!

"Hindi ako naniniwala sa inyo!" sigaw ko.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala!" sigaw ng lalaking nakasuot ng pulang armor.

"Yah!" sigaw ko at bigla na lang lumaki ang kulay asul na enerhiyang nakapalibot sa akin sa kadahilanang tumilapon silang tatlo.

"Tumatakas siya!" sigaw ng lalaking nakasuot ng berdeng armor na may hawak na bakal na sibat.

"Pigilan niyo siya!" sigaw ng lalaking nakapulang armor.

Pero bago pa nila ako tuluyang nahuli ay mabilis na akong lumangoy paitaas.

"Barilin mo na siya Coralia!" sigaw ng lalaking nakasuot ng pulang armor sa babaeng aquasiang nakasuot ng purple colored armor at mabilis na lang akong binaril ng babae gamit ang isang kakaibang malaking bula na lumabas mula sa kanyang kakaibang baril at mabilis akong natamaan.

"Ah!" sigaw ko.

Bigla namang sumabog ang kakaibang bula na ito na tumama sa akin at mabilis akong tumilapon sa kung saan at biglang nawalan ng malay.

***************

Third person's POV

Tumilapon si Zhanaia ng napakalakas at napakalayo nang hindi niya namamalayang nahulog ang kanyang kwentas na may kabibeng pendant.

Samantala...

Mabilis na tumakas sina Xanderr, Marrius at Coralia na para bang walang nangyari.

"Tumakas na tayo bago pa tayo maabutan ng mas maraming kawal!" sigaw ni Xanderr.

"Tayo na!" sigaw ni Marrius.

Mapapansin namang parang walang imik si Coralia na para bang nakokonsensya siya sa kanyang ginawa at iniisip ang lahat ng nangyari.

************

Seymore's POV

Nasa labas na ako ngayon ng kastilyo at nasa merman form na ako. Kasalukuyan akong lumalangoy sa mga iskinita ng syudad para hanapin si Zhanaia.

Nasaan ka na ba?!

Tss!

Minsan talaga hindi ko rin maintindihan si Zhanaia. Nadanaan ko rin naman ang ganyang edad pero hindi ako naging ganyan kadrama. Iba lang talaga siguro ang ugali ng mga babae kapag dumaan na sa mga ganyang edad.

Huh.

Kulang lang siguro sa lambing.

Sa aking paglangoy ay bigla ko namang napansin ang isang kwentas na may pendant na hugis kabibe na kulay asul.

Ano?!

"Kay Zhanaia 'to ah!" pagkagulat ko at pinulot ko mula sa buhangin ang kwentas. "Bakit kaya 'to nandito?"

May masama sigurong nangyari sa kanya!

Nasaan ka na kasi?!

*************

Third person's POV

Sa isang isla naman na kung saan may isang resort ang nakatayo ay makikilala si Kiro Raida. Isang gwapong lalaking anak ng isang mayamang mag-asawang hapon na negosyante na nagmamay-ari ng mga magagarang casino, five-star hotel at resort.

 Isang gwapong lalaking anak ng isang mayamang mag-asawang hapon na negosyante na nagmamay-ari ng mga magagarang casino, five-star hotel at resort

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ZHANAIA: The Water Princess (CSU SERIES #6)Where stories live. Discover now