Ikalawang Eksena

1.3K 5 0
                                    


Ikalawang Eksena

(Pasok Macbeth, may dalang lapis at papel, susulat kay Lady Macbeth. Basahin ng malakas habang nagsusulat kunyare)

Macbeth: Aking minamahal, ikinagagalak kong sumulat sa iyo tungkol sa isang nakahihilakbot ngunit nakakapag-taka na pangyayari. Natagpuan kami ng tatlong bruha, mga mangkukulam, at sinabi nila na magiging hari ako! At mula naman sa lahi ni Banquo ang susunod na hari pagtapos ko. Sabi ni Banquo, huwag ako basta na lang maniwala, pero hindi ba iyon napakagandang pangitain? Nais ko lamang iyon maibalita sa iyo. Nagmamahal, Macbeth.

(Pasok Lady Macbeth, na binabasa ang sulat, gulat na natutuwa)

Lady Macbeth: Kung totoo ito, aba! Isa itong pagpapala! Hindi nya ito dapat palagpasin. Dapat ako sumulat agad.

(Kumuha ng papel at lapis si lady macbeth at sumulat)

(Pasok Macbeth, makakatanggap ng Sulat, at binasa ito)

Scene: Kinukumbinsi ni Lady Macbeth na patayin ng asawa nya si Duncan

(Tono ng Control by Halsey)

(Lady Macbeth magsimulang kumanta)

Pinadala ka para lumaban

At ikaw nagtagumpay

Ang iyong nakuhang dangal

Saglit mo lang maitataglay

Napagisipan ko, aking naibulay

'Hanggang dito nalang ba?"

At napagtanto ko na nararapat sayo

Mas dakila pa

Mas malakas ka dito

Mas maparaan ka

Mas mautak ka dito

Magiging hari ka

Nang sabihin nila na "Maghahari ka"

Di mo ba naisip ang kinang ng korona?

Kapangyarihan, mapapasayo na

Sino masusunod?

Likhain mo, sa iyong isipan

Ang lahat na pwedeng mapasaiyo

Tumindig ka, magpakalalake

Kunin mo ang dapat sayo

Mas malakas ka dito

Mas maparaan ka

Mas mautak ka dito

Magiging hari ka

Nang sabihin nila na "Maghahari ka"

Di mo ba naisip ang kinang ng korona?

Kapangyarihan, mapapasayo na

Sino masusunod?

Ganito ang gawin mo

Pag natulog ang hari sa inyo

At pag mahimbing na

Ilabas mo ang tabak mo

Wag kang makonsensya

Sumunod ka sa utos ko

Pag wala na ang hari

Ang korona mapapasayo

Makikilala ka

Magiging tanyag ka

Kikinang kang parang tala

Pag ikaw ay hari na

At pagnatupad na ang hula nila

Sa tabi mo, ako ay magrereyna

Wala kang hahayaang makaagaw sa

Paghahari mo

Nang sabihin nila na "Maghahari ka"

Di mo ba naisip ang kinang ng korona?

Kapangyarihan, mapapasayo na

Sino masusunod?

Babagsak lahat ng susubok sayo

Pagkatanyag mo di matatapos

Wag kang matakot, isagawa mo na

Sino masusunod?

Macbeth Script (TAGALOG)Where stories live. Discover now