Ikaanim na Eksena

775 6 0
                                    


Ikaanim na Eksena

(Pasok ang tatlong bruha)

Bruha1: Nararamdaman mo ba iyon?

Bruha2: Ang alin?

Bruha3: Shh! Nararamdaman ko rin, na may kabalakyutang papalapit.

(Pasok si Macbeth)

Bruha1: At eto na nga sya.

Macbeth: Sabihin mo saakin, kung ano ang inyong nakikita sa aking kapalaran.

Bruha2: Gusto mo ba talaga makita?

Bruha3: Kung gayon, ating ibigay sa kanya ang kanyang hiling.

Bruha1: (sound effect ng kidlat) Macbeth! Macbeth! Macbeth! Magingat ka sa Thane of Fife. Magingat...kay Macduff.

Bruha2: (sound effect ng kidlat) Maging marahas, matapang, at matatag. Tumawa sa kapangyarihan ng iba pang mga tao, dahil walang ipinanganak sa isang babae ang makakapinsala kay Macbeth.

Macbeth: Ha! Kung gayon, wala pala akong dahilan upang puksain si Macduff. Pero para makasigurado, ako na mismo ang kikitil sa buhay nya.

Bruha3: (sound effect ng kidlat) Maging matapang tulad ng leon at itaas ang sarili. Huwag kang magalala sa kung sino mang nagbabalak ng masama sa iyo, sapagkat hindi matatalo si Macbeth hanggang ang Birnam Wood ay mag martsa upang labanan ka sa Dunsinane Hill.

Macbeth: Sino ang maaaring mag-utos sa kagubatan na hilahin ang kanilang mga ugat sa papalabas ng lupa? Nalalaman ko na ligtas nga ako.

(Labas Macbeth at tatlong bruha, Pasok Doktor at alalay nito)

Doktor: Kamusta ang iyong reyna?

Alalay ni lady macbeth: Naglalakad ng tulog, ginoo. Madalas nya ito gawin gabi-gabi, at habang ginagawa nya ito, kinukuskos nya ang kanyang dalawang palad na para bang naghuhugas ng kamay sa ere.

Doktor: Asan siya ngayon?

Alalay: Narito! Naririnig ko na sya.

Lady Macbeth: (nagsasalita habang naglalakad na tulog) Tanggalin nyo! Tanggalin nyo! O eto ba ang parusa sa lahat ng pagkakasala ko? Na magkaroon ng bakas ng dugo ng lahat ng pinuksa ko, dito mismo, sa aking mga kamay? Tanggalin nyo! Magiging malinis pa ba ang aking kamay? Magiging malinis pa ba ang aking budhi?

Doktor: (kinakausap ang alalay) May mga kilala akong naglalakad ng tulog, ngunit hindi sila nakokonsensya sa anuman. Sinasabi ko sayo, hindi na ako ang kailangan nyo upang gamutin sya. Kailangan nya ang Diyos.

(Labas lady macbeth, doktor, at alalay)

Macbeth Script (TAGALOG)Where stories live. Discover now