Ikapitong Eksena

793 10 0
                                    


Ikapitong Eksena

(Pasok Macbeth at isang sundalo)

(Mayroong tinig ng mga babaeng umiiyak mula sa backstage)

Macbeth: Ano ang ingay na iyon?

Sundalo1: Mga tumatahang kababaihan, kamahalan.

Macbeth: Ngayon lang ako nakaramdam nang tunay na takot, na naramdaman ko lang dati noong bata pa ako. Pero ngayon, totoong mga bagay ang aking kinababalisahan.

(Pasok ang isang sundalo)

Sundalo2: Kamahalan! Patay na ang reyna!

Macbeth: (Biglang nalungkot ang mukha,paiyak) Oh kaawa-awa kong mahal! Lubusang kinain ng kanyang nanguusig na konsiyensya ang kanyang buhay, at heto ako, iniwan nyang magisa na namimighati.

Sundalo2: Bukod dyan, kamahalan, may isa pa akong balita. Habang nagbabantay kami sa may burol na tumitingin sa Birnam, nakita namin, na para bang ang kagubatan ng Birnam ay papalapit.

Macbeth: Totoo ba yan? Kung gayon, dalian nyo! Ihanda nyo ang kawal, at maghanda para sa laban. Sapagkat mamatay man ako, mamamatay akong lumalaban.

(Pasok Malcolm at Macduff)

Macolm: Mas papalapit na tayo. Ilabas nyo ang mga armas nyo at ipakita nyo kung sino kayo.

Macduff: Ilabas ang mga trumpeta. Lakasan nyo ang paghahayag ng balita ng dugo at kamatayan.

Scene: Papatayin ni Macduff si Macbeth

(Tono ng "Wolf in Sheep's Clothing" ng Set it off)(Malcolm at Macduff magsimulang kumanta)

Malcolm: Magingat, at magmasid

Sa ngiting pekeng ginto

Mapanlinlang na kilos

Isa syang lobong nagaanyong tupa

Macduff: Duwag na hari, asan ka ngayon?

Lumabas ka dyan wag kang parang aso!

Tuta, tuta ng ambisyon!

Wala ka nang kakampi, wala na ang asawa mo

Duet: Sabihin

Paano naatim na

Sarili lang iniiisip mo?

Bigyan mo ng dahilan

Lahat nang iyong kasinungalingan

Itaga mo sa bato

Pagbabayaran mo

Lahat ng pagkakasala mo

Macduff: Maingat mong kinitil

Mga inosenteng buhay

Ang dating hari at matalik mong kaibigan

Isa kang salot na dapat lumisan

Malcolm: Duwag na hari, magtago ka ngayon!

Naamoy ko ang dugo ng mamumusong!

Ilabas mo ang iyong tabak

Dito matatapos ang problemang sinimulan

Duet: Sabihin

Paano naatim na

Sarili lang iniiisip mo?

Bigyan mo ng dahilan

Lahat nang iyong kasinungalingan

Itaga mo sa bato

Pagbabayaran mo

Lahat ng pagkakasala mo

Malcolm: At tinapon mo

Lahat nang tiwala sa iyo

Aking ama na nagmalasakit sa iyo

Nakikita mo ba

Lahat ng kamalian mo

Kasakiman mo ang dahilan

Macduff: Ay, sino ba niloloko ko?

Simula palang binalak nyo na to

Sakim ka na noong una palang!

Ang dapat sayo, mamatay!

Kasalanan ba ang hustisya,

Pag siningil sayo!

(Sasaksakin ni Macduff si Macbeth)

Duet: Sabihin

Paano naatim na

Sarili lang iniiisip mo?

Bigyan mo ng dahilan

Lahat nang iyong kasinungalingan

Itaga mo sa bato

Pagbabayaran mo

Lahat ng pagkakasala mo

Lahat ng pagkakasala mo

(Labas lahat ng karakter)

Katapusan ng Kwento.

Isinulat ni Yahaira Delantar ng Baitang 10 - Manansala

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Macbeth Script (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon