Ikalimang Eksena

802 4 0
                                    

Ikalimang Eksena

(Pasok mga bisita para sa handaan, Pasok macbeth, Pasok lady macbeth, pasok banquo)

Macbeth: Maligayang Pagbati sa inyong lahat! Ako ay lubusang nagpapasalamat sa inyong pagka naririto. Maari na kayong umupo.

(Umupo ang mga bisita sa kanikanilang pwesto)

Mga bisita: Salamat sa iyong kamahalan.

Lady Macbeth: Halika, aking mahal, umupo ka na at libangin mo na ang mga bisita.

(Pasok Banquo at umupo sa dapat uupuan ni Macbeth, note: multo na lamang si banquo)

Macbeth: (Itaas ang baso ng alak) Tunay nga na dapat tayo magsaya! Tayo na at uminom at maging maligalig, para sa mabuting kalusugan! Tagay!

Mga Bisita: Tagay

Bisita1: Oo nga, kamahalan. Halika, ikaw ay umupo at samahan kami sa magalak na usapan.

Macbeth: Kung andito lang sana ang ating kapatid na si Banquo. Nawa ay walang masamang masamang nangyari sa kanya.

Bisita 2: Sang-ayon ako, kamahalan. Ngunit habang wala pa ang iba, kung ikagagalak ng hari, nais sana naming syang maupo at magsalaysay ng kanyang mga kwento.

Macbeth: Ngunit wala nang libreng upuan.

Bisita1: (ituro ang upuan na inupuan ng multo ni Banquo) Dito, kamahalan, walang nakaupo.

Macbeth: (Nakita ang multo, biglang nabalisa) Sino sa inyo gumawa nito?!

Bisita 2: Nang ano, aming hari?

Macbeth: (kinakausap ang multo,nababalisa) Hindi mo masasabing ako iyon, huwag ka sakin tumingin!

Bisita 3: (naiinis)Tumindig tayo at lumisan, mga ginoo! Sapagkat ang hari ay wala sa tamang kalagayan.

Lady Macbeth: Teka, saglit! Pagpasensyahan nyo na ang hari, mga kaibigan, yamang ganito na sya kumilos simula ng bata pa lang sya.

Macbeth: (kay lady macbeth) Hindi nyo ba sya nakikita? Tignan nyo, tignan nyo! (sa multo) Wala ka bang sasabihin? Magsalita ka! Wala nang saysay ilibing pa ang mga patay kung narito sila na bumabalik para manggambala.

Lady Macbeth: Ano? Ang iyo bang kamangmangan ay tuluyan nang sinira ang iyong isip?!

(Labas Macbeth, Lady Macbeth, mga bisita, at multo ni banquo)

Macbeth Script (TAGALOG)Where stories live. Discover now