Chapter 12:Ang Sumpa Ni Argon

2.8K 178 6
                                    

Author's Note:
Guys sorry talaga ilang days naman akong hindi nakapag update busy po talaga kasi ako pasensya na po talaga..Sana magustuhan niyo po ang chapter na ito.. At sa mga patuloy pong nagbabasa ng gawa ko maraming salamat po...😊😊☺☺
                  
                                    -Otor DD

Damon's POV

Humawa na ang usok at doon ko nakita si Argon na nakaluhod parin hawak ang isang napakalaking panangga.

Di niya pinapahalata sa kalaban na napuruhan siya pero kung ako ang tatanungin purong puro na siya.Marami rami na rin ang mga sugat niya at punit punit na ang kanyang damit.

Hingal na hingal na rin siya.Bumato ulit ng isang bomba ang bata kaya agad na ginawang pana ni Argon ang hawak niyang espada at pinana ang papalapit na bomba kaya di na ito nakalapit sa kanya pero tumilapon parin siya dahil sa lakas ng impact ng bomba.

Agad siyang bumango at ginawang dagger ang pana,pinarami niya ito saka kumumpas na atakehin ang bata.Sumunod naman ang mga dagger,bumulusok ito papunta sa direksiyon ng batang kalaban at sapul naglikha na naman ito ng makapal na usok.

Di na hinintay pa ni Argon na mawala ang usok at agad niyang ginawang pana ang kanyang dagger.Pinakawalan niya ang palaso papunta sa gitna ng makapal na usok at narinig kong sumabog ang sa loob ng usok kasabay nito ang pagsigaw ng bata.

Kahit di ko man makita ang pangyayari sa loob ng makapal na usok na iyon ay sigurado akong natamaan nito ang bata.

Nawala ang usok at naroon ang bata na nakahandusay sa lupa at walang malay.

Clap*clap*clap*

"Magaling,magaling Argon,ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang sandatang binasbasan ng mga diyos at diyosa?nakakapagpalit ng anyo,nakakamangha"nakangising sambit ni Orthox.

"Pa..paano mo nalaman na ito'y binasbasan ng mga diyos?"tanong ni Argon.

Ngumisi ulit si Orthox"Nako!hindi mo ba naalala?may mga mata ako kahit saan Argon kaya hindi mo ko maiisahan."

"Kung ganon alam mo na pala na ang espadang ito ay ginawa ko para pangpuksa sa kasamaan mo?"panunukso ni Argon kay Orthox pero tinawanan lang siya ng kalaban.

"Hahahaha...Yun ay kung mapapatay mo ko,ay muntikan ko nang makalimutan.Kamusta na pala ang pinakamamahal mong si Minerva?nandoon ba siya sa pinakailalim na parte ng Gehenna?kawawa naman,hahahaha"

Mukhang nagalit si Argon kaya sinugod niya si Orthox."Wag mong ipaalala ang kahayupang ginawa mo!"bulyaw niya kay Orthox habang patuloy na winawasiwas ang espada at todo ilag naman si Orthox.

Matapos ang ilang minutong iwas-atake,iwas-atake nilang dalawa ay pumalayo muna si Argon at may sinabi.

"Ipalabas mo ang pinakamalakas mong alas Orthox at kung hindi niya ako matatalo sa loob ng 7 minuto ay mapapasaakin ang kapangyarihan nito!"

"Aba,aba,mabuti nanghahamon ka?baka di mo kayanin ang alas ko?"panghuhusga ni Orthox.

"Wag mo kong maliitin Orthox hindi ako naging hari ng Gehenna sa walang kadahilanan."galit na sigaw ng hari.

"Ah,nagmamayabang ka na?pwes ipapakita ko siya sayo."may binigkas na isang chant si Orthox at may nabuong magic circle sa lupa.Biglang yumanig at nagkabitak bitak ang lupa sa loob ng magic circle,lumabas dito ang isang lalake na may sungay at mahabang buhok,may itim na pakpak at nakasuot ng itim na roba.Parang pamilyar sakin ang mukha ng lalake eh hindi ko nga lang alam kong saan ko nakita.

"Ito si Lucifer ang pinakamalakas na demonyo na namumuhay sa buong daigdig."pagpapakilala niya sa lalakeng nasa harapan.

Ngumiti si Argon"Kung ganon ay masdan mo ang aking alas"tinaas niya ang kanyang espada na nakatutok sa langit at humulma isang butas sa langit at gumawa ito ng kidlat na tumungo sa direksiyon nito.

Magia Academy:The Next Celestial MageWhere stories live. Discover now