Chapter 67:Ang Itinakda

2.3K 167 69
                                    

Happy 40K reads sa kwentong ito at happy 300 followers narin sa akin hahahah.

Maraming maraming salamat guys sa pagfollow,vote,comment at pagbabasa.Taos puso talaga akong nagpapasalamat sa suporta niyo❤❤.Kayo ang aking inspirasyon (hanudaw?)hahaha.Enjoy reading!

DUKE'S POV

"Duke?Duke gumising ka."nakaramdam ako ng mahinang pagtapik sa aking pisngi at pagtawag sa aking pangalan.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang isang lalaki,malabo ang kaniyang pigura kaya napakusot ako ng aking mga mata.Nang maging malinaw na siya sa aking paningin ay hindi ko maiwasang mapakunot.Hindi ba't patay na ito?Bakit  nandito siya ngayon sa aking harapan?at.....

"Nasaan ako?"iginala ko ang aking paningin at bumungad sa akin ang walang hanggang kadiliman,tanging kaming dalawa lamang ang nandito at naiilawan.

"Nandito tayo sa iyong panaginip,naaalala mo ba ang mga nangyari bago ka napadpad dito?"kumunot ang aking noo sa kaniyang mga sinabi subalit biglang may mga alaalang lumitaw sa aking isipan.Hindi!Hindi ito maaari.

Tumingala ako sa kaniya at agad na tumayo,matalim ko siyang tinitigan at agad na sinakal.Siya ang may kasalanan sa lahat ng nangyayari sa akin.

"Ikaw!ikaw ang may kasalanan!Kung hindi dahil sa kapangyarihan mo na pumasok sa aking katawan ay hindi sana kami nagkakaganito ni Damon.Kung hindi sana ako naging isang bampira ay hindi ako nadala ng kapusukan noong kabilugan ng buwan at nauto ni Beviline!Wala kang hiya Ikarus!"humigpit ang pagkakasakal ko sa kaniya na kaniyang ikinapiglas.Hinawakan niya ang aking kamay at mabilis itong binalibag.Napaluhod ako dahil sa kaniyang ginawa,napakabilis ng kaniyang kilos.

"Nandito ako ngayon dahil may mga sasabihin ako sa iyo."Nagkasalubong ang aking kilay at agad na tumayo.Seryuso ang kaniyang mukha at nakatitig siya sa akin.

"Ano ang iyong sasabihin?"tanong ko sa kaniya.

"Una sa lahat ay gusto kong humingi ng kapatawaran dahil sa pagpasa ko sa iyo ng aking katangian bilang isang bampira,sapagkat iyon ang nararapat.Ikaw ang nakatakdang maging aking reinkarnasyon at mananalaytay sa iyong dugo ang pagiging isang bampira,nakaukit na ang iyong tadhana kaya wala akong magagawa sa kaganapang iyon."napatitig ako sa kaniya,tunay na magkamukha kaming dalawa.Para lamang akong nanalamin at kumakausap sa aking sarili,iyon na siguro ang patunay na ako ng kaniyang reinkarnasyon.

"Pangalawa,gusto kong sabihin sa iyo na nanganganib ngayon ang katawan at kaluluwa ng iyong iniirog...."napalaki ang aking mata sa aking narinig.Tama!Si Damon,kailangan niya ako sa mga oras na ito,dapat ay nasa tabi niya ako,dapat inaalagaan ko siya.

"..malapit na siyang tuluyang kainin ng kadiliman,ang galit at poot sa kaniyang puso ang nag-uudyok sa kaniya na lumayo sa liwanag.Kung patuloy iyon na mangyayari ay maaari siyang mawala sa iyo.Ang kaniyang kaluluwa ay mababahiran ng kasamaan at sa oras na mangyari iyon ay kakalabanin niya kayong lahat,wala siyang kikilalanin na ni isa sa inyo.Ang natatanging taong makakatulong lamang sa kaniya ay walang iba kundi....."nagkasalubong ang aming mga mata,parang nagsasabi ito na napakahalaga ng aking gagampanan sa muling pagbabalik ng aking mahal na si Damon sa dati.

"....IKAW"

"Ngunit paano?Gayong ako rin ang sanhi ng kaniyang pagbabago."napailing siya sa aking sinabi.

"Hindi ikaw ang may kasalanan,huwag mong sisihin ang iyong sarili sapagkat may ibang nilalang ang nag-uudyok sa kaniya na magalit sa iyo,matagal na itong naghihintay ng pagkakataon.Alam mo kung gaano ka busilak ang puso ni Damon subalit ang kaniyang isip ay naging kontamido dahil sa kaniyang galit."napaisip ako sa kaniyang sinabi.Hindi ko naiintindihan ang gusto niyang ipunto tungkol sa pagsiklab ng galit ni Damon.

Magia Academy:The Next Celestial MageWhere stories live. Discover now