CHAPTER TWO

1.1K 40 9
                                    

Tila namingi siya sa narinig mula kay Ms Catakutan. Nanlaki ang kaniyang mga mata at bukas-sara ang mga labing pinoproseso ang nais sabihin. Pero walang salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

WHAT THE FUCK?! Tyron? It was the Tyron she knew, then! She would never forget that name. That.. that... Napabuga siya ng marahas na hangin. Anak ng pating!

"Ma'am, I can't do it!" Mabilis na alma naman niya na hindi na naisip pa ang pagtaas ng kaniyang boses. Natataranta siya sa bilis ng tahip ng kaniyang puso.

Nagulat ang kaharap na amo. "You're raising your voice, Ms.Garcia." Kunot noong saad nito.

Napapikit at nagsisi naman siya agad sa inasal sa kaharap. Hirap man ay pilit nitong kinalma ang sarili at huminga ng malalim at muling hinarap ito.

"I'm so sorry about that, Ma'am." Nagmamakaawa ang tinging pinukol niya rito. "But please.. Assign me to anyone you want but not on this one. I really can't do it, Ma'am. I can't." Iling niya.

"If you don't want this job then I can't do anything but to fire you Ms.Garcia. As what I've said earlier. So.. you choose."

BAGSAK ang balikat na lumabas siya ng opisina ng Chief Operating Officer. Hindi na niya alam ang gagawin. Sa ibinigay na trabaho ng boss ay tiyak mapapahamak siya, at madadamay pa ang mga anak niya. Pero hindi pwede iyon. Matagal na niya itong hindi nakikita at sigurado naman siyang wala na rin silang magiging problema kung magkikita silang muli ng dating kasintahan. Tama. Tumango tango siya sa naisip ngunit natigil na naman sa panibagong gumulo sa utak niya.

What about her children? Magagawa niya bang itago ang mga anak rito panghabang-buhay? Bumuntong hininga siya.

She really have a choice pero sa panahon ngayon ay mahirap na ang humanap ng trabaho. Gladly, the company she's working in was hiring an employee like her, and that's almost 2 years ago. Nung halos kauumpisa lang nito. Wala mang kompletong credentials ay natanggap siya na labis niyang ipinagpasalamat sa Panginoon. Dahil ilang kumpanya na rin ang umiling sa kaniya at nawawalan na rin siya ng pag-asa noong makahanap pa ng trabahong pagkakakitaan para sa mga anak.

Sa tagal na niyang nagtatrabaho dito ay ngayon lang siya naatasang gumawa ng ganitong assignment. At nagtataka talaga siya kung bakit siya pa. Does he know? Ito ba ang may pakana kung bakit siya ang inatasan sa pagiinterview rito? Sa posibilidad na iyon ay kumulo ang dugo niya. Ano bang gustong mangyari ng damuhong 'yon?!

Kahit anong isipin ay wala rin siyang makuhang mga sagot. At lalong lalo na, wala din naman siyang magagawa. Damn. She's doomed.

Matapos ang buong araw na pagtatrabaho ay sa wakas, uwian na. Simula matapos ang paguusap nila ng boss hanggang makauwi ng kaniyang condo ay iyon parin ang nasa isip niya. Naiiyak na siya sa sobrang pagiisip at kabang nararamdam sa maaaring mangyari.

In three days, kung wala pa siyang desisyon ay wala siyang magagawa kundi ang umalis sa kumpanya at humanap ng ibang trabaho.

Oh shit! That! Fuck. I knew it! Nagliwanag ang mukha niya at nabubuhayan ang loob na tumayo mula sa kaniyang kama.

Mabilis itong nagtungo sa sala kung saan nakapwesto ang kanyang laptop. Nagtipa ito sa keyboard habang mahinang umuusal ng panalangin. Oh, God please. Help me.

Nakailang oras na yata siya sa paghahanap ng trabaho online pero wala. Wala ng available na trabaho! Nanlulumo niyang sinarado ang laptop na ginamit. Ang kaninang pag-asa ay tuluyan ng nawala at pagod siyang bumuga ng marahas na hangin.

Yumukyok siya sa table at bigong-bigo na sinabunutan ang sarili.

"Arghhh!!"

"What am I gonna do now? Malaman ko lang na sinadya mo 'to, tignan natin.."

Bachelor Series Book 1: Beautiful Punishment Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα