CHAPTER ELEVEN

785 27 0
                                    


Matapos naming pagsaluhan ni Jennica ang almusal ay nagtungo na 'ko sa trabaho. I have a lot of works to do. But I want to talk to Suzy and Mr. Jang first, like what was planned yesterday.

As soon as I got inside my office, pinirmahan ko muna ang mga paperworks na nasa ibabaw ng mesa ko. Nang mapansing 10am na ay pinatawag ko agad ang mag-ama. Ofcourse, in less that 10 minutes ay nakarating sila. I am an important person, they can't be late.

"Mr. SanDiego! Nice to meet you, again." Mr. Jang exclaimed. Hindi ko ito binastos, bagkus ay tinanggap ang pakikipagkamay nito.

But as for Suzy, hindi ko ito pinansin ng makipagbeso ito. Sobrang bagsik ng pabango niya, baka maamoy sa akin ni Jennica. Instead, kinamayan ko nalang din ito na ikinasimangot ng huli. Well, I am restraining myself from scowling at them. Tutal ay maayos na rin kami ni Jennica ngayon, naisip kong maayos nalang din silang kausapin tungkol sa gusto kong gawin.

"Have a seat." Pormal kong pahayag.

Umupo sila sa kaharap na sofang inuupuan ko at tumingin sa akin.

"I want you to pull out your investments in my company." Diretso kong sabi.

Nagulat ang mag-ama at histeryang tumingin sa akin si Suzy.

"What?!"

Tumikhim ako. "I don't tolerate such betrayal. Years ago, you ruined my relationship. Nakalampas man sa akin ito noon, pero ngayon ay 'di na ko makakapayag pang manatili kayo sa company ko." Mariin kong sambit. "Pull out your investments.. I don't need a pest in my company."

Nakita kong bumakas ang galit ni Mr. Jang sa kaniyang mukha. Ganoon din ang anak nitong tumitingin sa kaniyang ama.

"But, Mr. SanDiego, that was long years ago. You can't do this to us now. Mahaba na ang pinagsamahan natin, and I was also planning to merge our company soon."

Napangisi ako sa sinambit ni Mr. Jang at hindi makapaniwalang tumingin rito. Sa malamig na boses ay tinugon ko ito.

"Of course, I can do what I want. And for your information, Mr. Jang, I know what you planned before. Sinira mo ang relasyon namin ng taong mahal ko, gamit ang anak mo." Tinignan ko ang nakakunot noong si Suzy at ibinalik ang tingin kay Mr. Jang na nakakuyom ang panga.

"And for what? Merging companies, right? Akala niyo sa oras na mapaghiwalay niyo kami ni Jennica ay magtatagumpay agad ang plano niyo. But unfortunately for you two, hindi ako pumayag sa kasalang gusto niyo."

Akala ko ay sasagot si Suzy ngunit mabilis ang kilos nitong lumipat sa tabi ko. Inilingkis niya ang kamay sa braso ko matapos magbigay ng nakakasukang ngiti.

"What the fuck are you doing?"

Napatayo ako at aalisin na sana ito ng makita ang taong nakatayo sa pinto ng office kong tinitignan ni Suzy.

"Jennica." Nabigla kong saad.

Tumaas ang kilay ni Jennica at tinignan ang kamay ni Suzy na nasa braso ko.

"Oh. So here is the lover. I am sorry to inform you, but Tyron and I are getting married next month."

Nangunot ang noong tinignan ko si Suzy. Lumakad si Jennica papasok at marahas na inihiwalay ang kamay ng anak ni Mr. Jang sa braso ko. Tumayo na rin si Mr. Jang sa eksenang nakita.

"How dare you lay your filthy hands on my husband." Matapang na saad ni Jennica.

Napalunok ako sa nakitang tapang nito at sa mariing paghawak nito sa braso ko habang pinupunasan iyon ng panyong hawak.

"What did you say?!" Eksaheradang tugon ni Suzy kay Jennica.

Hinarap ko ito at masamang pinukol ng tingin. "Shut up."

Bachelor Series Book 1: Beautiful Punishment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon