CHAPTER SEVEN

965 38 0
                                    


THE PRIVATE PLANE landed safely earlier. I went from Madrid to take care of some urgent business there.

Habang nakasakay ng eroplano at habang nasa ibang bansa ako ay si Jennica pa rin ang laman ng isip ko. I'm restraining myself from worrying but my goddamn mind can't fucking cooperate. I left her without giving any notice. Sinadya ko yon. Kahit pa nagtatalo sa isip ko ang ginawa ay pinili ko parin ang iwan itong mag-isa sa kwarto nito.

Hindi ko mabilang kung ilang beses ko bang binalak tawagan siya. Tsk. This is what I clearly want, right? Make her feel loved, like what she did to me before.. And after that, turn my back on her. And that is to punish her for leaving me years ago.

Yes. Okay lang to. Fuck, it's really okay.

I continuously chant on my head that I'll punish her. So stop thinking about her,now, Tyron.

Pagdating ko ng Manila ay pagabi na. Dumiretso akong Condo at umakyat ng sariling penthouse.

Pagpasok na pagpasok ko ng condo ay kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Bumuntong-hininga ako at pumikit ng mariin. Pinindot ko ang hawak na cellphone at tinawagan ang sekretarya ko.

"Hello, Shiela."

"Yes, sir?" tugon niya sa kabilang linya.

"Find someone named Jennica Garcia. Call me as soon as possible."

Matapos niyang sumagot ay agad kong pinatay ang tawag at dumiretso ng shower. I busied myself and waited for my secretary's call.

Saktong pagtapos kong magbihis ay narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha sa bed side table at sinagot ang tawag.

"Sir, Ms. Jennica Garcia is currently on Marikina, now..." Pagkasabi niya non ay agad kong kinuha ang susi ng sasakyan at kumaripas sa elevator.

Why would she be in Marikina?

Pinakinggan kopa ang buong detalye ng sinasabi nito habang pababa at papunta ng sasakyan ko.

Nang matapos ang tawag ay nagpa-salamat ako rito't mabilis na pinaharurot ang sasakyan paluwas ng Marikina.

Madali kong nahanap ang lugar kung nasaan si Jennica, na sinabi ng secretary ko. Bumaba ako ng sasakyan at pinindot ang doorbell sa harap ng gate ng bahay. I am nervous as fuck. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko sa isiping wala ito sa sarili nitong condo.

Ilang sandali lang ay humarap sa akin si Nanay Lena. Bakas ang pagkabigla rito nang makita akong nasa harap niya. Ako rin ay nagulat ng makita ito. So this is where they live now? 

I unconsciously blew a soft breath. Ni hindi ko napigilan ang paggaan ng pakiramdam ko sa isiping hindi naman pala ibang lalaki ang pinuntahan nito. Thanks God.

"Tyron, iho?"

Tumango ako at nagmano. "Ako nga po. Pasensya na at baka nakakaistorbo po ako."

"Naku, hindi naman! Bakit naparito ka?Pasok ka." Pinapasok ako nito sa gate at naglakad kami papunta sa mismong bahay nila.

"Ahm. Nandiyan po ba si Jennica?" Tanong ko.

Humarap ito sa'kin at tila may napaisip. Naging malikot ang mga mata nito bago muling nagsalita ng hindi makatingin ng diretso sa'kin.

"Oo, nandito siya pero pwede bang wag ka munang--" Naputol ang pagsasalita niya ng pareho kaming makarinig ng sigaw.

"Nanayyyy!!"

Sigaw ng bata? May bata rito?

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Nanay Lena at sumigaw pabalik.

Bachelor Series Book 1: Beautiful Punishment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon