#33: Eliminate

222 12 0
                                    

Swallowed By Darkness

#33: Eliminate

-Stephanie's Point of View-

Kanina pa kami naghihintay sa loob ng campus, paikot-ikot kami sa paligid habang nakatingin saamin ang mga estudyante, anong nangyari dito? Bakit bumalik na sa dati ang lahat at parang wala lang sa kanila ang digmaan sa Survival Game!

Kami lang ang humahawak ng armas sa ngayon kaya hindi namin maiiwasan na matablan ng hiya. Nasaan na sina Kacy at iba naming kasamahan?

"Doon na muna tayo sa dormitoryo pumunta, hindi natin alam sa ngayon ang nangyayari!" suhestiyon ni Cooper.

"Sang-ayon ako jan, doon nalang tayo para isagawa ang panibagong plano," dagdag din ni Capt. Shamiel.

Nakarating kami sa dorm na parang nakasunod ang mga mata ng mga estudyante saamin, It feels like they are threatening us! Nagbago na ang lahat, iba na ang kinikilos nila base sa aking obserbasiyon. Hindi na to mabuti!

Mukhang napagod na rin yata ang mga kasamahan ko dahil mahimbing na silang nakahiga sa couch at sofa maliban saakin at kay Amanda.

"Steph natatakot na ako!" lumalapit saakin si Amanda na mukhang may sumasagabal sa kaniyang isipan.

"Why, ano bang nangyari? May nagbabanta ba sayo? Sabihin mo lang,"

"Hindi para saakin kundi sa iba nating kasamahan at kay Kacy, wala tayong communication sa kanila, hindi natin alam kung nasaan sila ngayon at hindi natin alam kung buhay pa ba sila!" medyo bumabasa na ang kaniyang mata pero pinipigilan nitong umiyak.

"Wag mong isipin 'yan, buhay sila at makakalabas tayo ng walang malalagas!" may kalakasan ang pagkasabi ko kaya't may gumising. Oo takot ako, naging nega na ako pero ayaw kong mawalan ng pag-asa dahil mahalaga sila saakin.

"Ano ba yan?" Lumapit din saamin si Selena.

"Tug!" isang putok ng baril ang umalingaw. Nabasag ang salamin ng dorm namin at napaalerto naman kaagad ang lahat.

Yumuko kaming lahat sabay hablot ng aming armas, kung hindi ako nagkakamali ay sa labas nanggaling ang putok na iyon.

"Maging alerto kayong lahat!" sigaw ni Capt. Shamiel.

Dumungaw si Macky sa kabilang bintana at sunod sunod na putok naman ang bumulusok saamin. Nadaplisan si Macky sa kaniyang pisngi na nagpaagos ng dugo nito.

"Yumuko kayo, andami nila sa labas!" sigaw ni Macky na gumagapang pabalik sa kaniyang puwesto at hinahawakan ang kaniyang daplis.

"Be ready, handa niyo ang mga baril niyo, pagsabog ng granadang to ay papuputukan niyo sila!" mabilis na itinapon ni Cooper ang isang flash grenade sa labas.

"Sugod, paulanan niyo ng bala!" utos ni Capt. Shamiel!

Pumwesto ako kaagad sa bintana at itinutok ang hawak kong gatling gun sabay na ipinaputok sa labas. Napatulala na lamang ako dahil sa mga pinapatay ko na walang kalaban laban, napapapikit sila habang kami naman ay tumatadtad sa kanila ng bala. Sobrang daming estudyante, sobrang daming dugo ang dumadanak!

"Sa exit tayo dumaan!" sigaw ni Marcus, naunang lumabas ang magkambal at pati narin yung iba.

"Umalis kana jan Stephanie, bilis!" Sigaw din saakin ni Cooper.

Mabilis niyang hinablot ang aking kamay at tumakbo na rin kami papalabas. Pero hindi pa jan nagtatapos, marami pa kaming nakikita na nagsisitakbuhan papalapit sa amin.

Swallowed By Darkness (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt