SBD Special Chapter

633 20 1
                                    

SBD Special Chapter

Dahil special kayo, may pasobra!

This story took a year before I finished and I will give my warmest gratitude to all my lovely readers who supports my story since those "Jeje" Days until I became not typically a better writer. I know that I have a lot of improvements to work on so I will do my best just to satisfy each of my readers!

Just support my upcoming stories and give life to my fictional characters. I know this is just my start and I will compete a long race until the end!

Just remember, this author is so moody so expect the unexpected!💕

SBD Special Chapter

¤¤¤

-Kacy Hart's Point of View-

Nakatingin ako sa harap ng salamin, this is so different. Nagmumukha na ba akong maria clara ngayon? Pati ba ang puso ko ay nagiging malambot?

Isinuot ko na ang uniform ng isang sikat na university sa ngayon, medyo nawawala na rin sa aking isipan ang humanap ng gulo. I just want to finish what I've started, gusto kong maramdaman ni papa ang masaganang pamumuhay and also with my own family in the future with Kailron.

"Anak, bilisan mo na riyan, kanina pa naghihintay ang sundo mo. May panibago na namang sasakyan!" rinig ko ang pagtawa ni Papa na patuloy parin sa pagkatok sa pinto.

"Wait lang Pa!" inayos ko ang lipstick na nakalagay sa aking bibig at isinuot na rin ang I.D. bago lumabas sa kwarto.

"Nandiyan na lahat ng gamit mo anak, may egg burger na rin akong inilagay, baka magutom ka don!" hinalikan ako ni Papa sa noo at ganun din ang ginawa ko sa kaniya.

"Mag-ingat ka anak, kung may kailangan ka ay tawagan mo lang ako!"

"Sige pa, mauuna na ako! Paalam!" mabilis akong bumaba at niyakap si Kailron na nasa baba ng hagdan.

Marami na talagang nagbago, lahat talaga ay nagbago pero ang pagmamahal ko ay hindi na magbabago kahit na may dumating pa muling kadiliman para sumira sa amin!

"Sobra namang excited ang baby love ko!" hinalikan ni Kailron ang dulo ng ilong ko at hinila ang aking kamay papunta sa labas.

"Anong akala niyo, magsosolo lang kayong dalawa? Ha!" But these four? Mukha yatang walang nagbago rito!

"Mabuti at naisipan mo na van ang ipinabili mo Kai!" tumawa ang apat. I know what is their plan.

"Abah! Anong akala niyo saakin, service? Para lang to saakin at kay Kacy!" tinawanan din ito ni Kailron.

Napatawa na rin ako, bigla namang tumahimik ang apat na mga mokong. Hinila na naman ako ni Kailron at pinaupo niya ako sa front seat. Siya naman ay magmamaneho ng kaniyang van.

"Anong tinitingin tinginan niyo jan? Sa likod kayo sumakay!" pinaandar na ni Kailron ang kotse.

Nagsitakbuhan naman silang apat papasok sa van at nag-aagawan pa ng mga upuan na parang bata kung makaasta.

"Sabi na nga ba, suwerte namin sayo bro!" nagsitawa sila sa likuran ng banggitin iyon ni Marcus.

"Mas masuwerte si Kacy sa akin!" humarap si Kailron saakin at dahan dahan nitong inilapit ang kaniyang labi saakin.

Swallowed By Darkness (Completed)Where stories live. Discover now