6

1.5K 115 56
                                    

Rachell POV.

Napangiti ako nang irapan nanaman ako ni Collin. Nasa hapag kaming lahat dito sa bahay nila at naghahapunan.

Inaya kasi ako ng Mommy este Mommy pala nila Collin na dito nalang daw maghapunan at dahil mabait ako,pumayag ako syempre. Makakasama ko pa ng matagal si Collin my Love's.

"Kuya,girlfriend mo?"biglang tanong ng kapatid ni Collin sa kanya. Sabay turo sa akin.

Naka-ngiti ang kapatid nya pero hindi umabot sa mata. Parang may something.

Umikot nanaman ang mata ng my Love's ko.

"Una sa lahat Ate mo ako at hindi. Hindi ko girlfriend ang impaktitang yan"sabay irap nanaman sa akin.

"COLLIN yong bibig mo"saway ng Daddy nila.

"But Dad----

"Mahiya ka nga Collin,hindi kita pinalaking ganyan. Pagpasensyahan mo sana ang anak ko Rachell"sabi naman ng Mommy nila.

Ngumiti ako sa kanila pero dahil nainis ako ng konti kay My Love's aasarin ko muna sya.

"Okey lang po yon Tita. Ganyan lang po yan sa ngayon pero pag naging kami magiging mabait na sya sa akin"sabay ngisi ko sa kanya.

Narinig kong tumawa ang tatlo maliban kay Collin na inirapan ako.

"HUwag ka ng umasa impaktang to,hindi mangyayari yon"

"Mangyayari yon My Love's at pag nangyari yon ako na ang pinakamasayang nilalang sa mundo"kinapalan ko na talaga ang mukha ko ng sabihin ko yon.

Akala ko magagalit ang magulang nya sa akin pero narinig ko lang ang malakas na tawa nila lalo na ng kapatid nya.

"I like you Ate Rachell"sabi pa ng kapatid nya.

"Yuck Sydney,tomboy ka talaga. Tigilan mo nga yang impaktang yan"parang diring-diring sabi ni Collin.

"Bakit KUYA? nagseselos ka ba?"

"Hell no. Bwesit to. Dyan na nga kayo"galit na sabi nya bago kami iniwan.

Tinawag pa sya ng Mommy nya pero hindi na sya lumingon. Hanggang sa napansin ko ang titig ng Daddy nya sa akin. Bigla akong kinabahan. Galit ba sya dahil doon?

"Do you really like my son?"he ask.

Ow,de powta nag-english si Daddy. Marunong naman akong mag-english pero hindi ako nagsasalita ng madalas,nasa pilipinas ako eh.

"Yes Sir"kinakabahan ako sa totoo lang kaya dinaan ko sa biro ang lahat.

Hinawakan ko ang ilong ko nang akmang magsasalita nanaman sya.

My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon