14

1.5K 137 71
                                    

Rachell POV.

This past few weeks ay hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Paiba-iba ako ng mood, buti nalang hindi napipikon sa akin si Collin.

Sapa yan, sa totoo lang naawa na ako sa kanya. Lahat naman talaga ginagawa nya para sa akin pero sa tuwing magtatangka akong patawarin sya ay naiinis ako sa mukha nya.

Ang tanga lang kasi kapag nandyan sya naiinis ako sa pagmumukha nya pero wala naman sya ay hinahanap ko naman sya.

Gusto ko ng tawagin ang sarili ko na baliw.

Ganda ko namang baliw di ba.

"Oh nandito ka na pala, pinapasabi nga pala sayo na huwag ka na munang pumasok ng isang linggo"bungad sa akin ni Chubs, isa sa mga katrabaho ko dito sa opisina.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya.

"Bakit naman? May nagawa ba akong mali?"wala naman kasing dahilan para hindi ako papasukin eh.

Wala rin naman binabnggit si Collin sa akin, samantalang mula madaling araw hanggang hating gabi ay nasa bahay sya.

"Wala ka naman nagawang mali"natatawang sabi nya sa akin.

"Eh ano pala?"

"Wala kasi si Sir Collin, pinadala sya sa America ni Sir Cedric, napabayaan kasi ni sir Collin ang isang maliit palang na company na tinayo nya. Dati-rati kada 15 days ay pumupunta sya doon, pero nitong mga huling buwan ay hindi na sya nakakapunta"paliwanag nya sa akin.

Doon ko naalala na yong unang pasok ko ay bigla nalang syang nawawala ng dalawang araw. Hindi naman kasi ako nag-uusisa noon sa kanya, kaya ngayon ko lang nalaman na may tinayo pala syang company doon.

"Nagtataka nga kami eh, hindi naman ganyan dati si Sir, pero may nagbago sa kaya. Kung dati pag tinawag namin syang sir katakot-takot na sermon na inaabot namin pero ngayon sya pa ang nagsabi na Sir na ang itawag namin sa kanya. Ang alam nga ng lahat dito Bakla yan bago isang araw nalang darating sya dito, lalaking-lalaki na''pagpapatuloy nya pa.

Malaki talaga ang pinagbago ni Collin mula ng umamin sya sa akin.

Pero teka lang, umalis si Collin ng hindi man lang nagpapa-alam sa akin?

Bigla nalang tumulo ang luha ko.

Gagong bakla na yon, hanggang ala una ng madaling araw nandun sya sa bahay tapos hindi man lang nya binanggit na aalis pala sya. Ang sama nya talaga.

Basta ko nalang kinuha ang bag ko at umalis ng company, tinawag pa ako ni Chubs pero hindi ko na ito nilingon pa.

Ang sama talaga ng lalaking yon. Humanda sya sa akin pagbalik nya.. 

Naglakad ako pauwi sa bahay. Bwesit kasi eh, gusto ko lang malaglag ang inis ko kaya ako naglalakad-lakad. Sa paglalakad ko ay may nakita akong nagtitinda ng CALAMARES sa di malamang dahilan ay biglang napawi ang inis ko kay Collin, bigla kasi akong natakam at naglaway.

Agad akong lumapit sa nagtitinda., kain lang ako ng  kain hindi ko ininda ang tingin ng ilang bumibili sa akin hanggang sa may isang matandang naglakas ng loob na magsalita.

"Alam mo bang sa calamares ko rin pinaglihi ang panganay ko"naka-ngiting sabi nya sa akin.

Sinubo ko muna ang huling calamares sa lalagyan ko bago ko sya sinagot pero habang nagsasalita ako muli ko nanamang pinapuno ang lalagyan ko ng calamares.

"Hindi naman po ako naglilihi. Paano po mangyayari yon wala naman------

Bigla akong natigilan dahil sa naalala ko.

Delay ako,

Nahihilo at nasusuka ako,

Hindi maka-alis ng bahay na hindi naka-ayos,

Mapili sa pagkain pero pag natipuhan ko, burangusan naman ang pagkain ko.

Hindi nga kaya?

Hindi ako naka react. Binayaran ko ang kinain ko na umabot na ng dalawang daan bago agad na umalis. Dumaan muna ako ng pharmacy bago nagmamadaling pumunta ng public restroom.

2 line

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2 line......


Buntis ako......................

My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon